Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, sa Europe gustong makasal kay Richard

GUSTO ng magpakagat (magpatali) ng habambuhay ni Richard Gutierrez sa ina ng anak niyang si Sarah Lahbati.

Tinapos na ng La Luna Sangre actor ang pagiging binata niya dahil nag-propose na siya ng kasal sa aktres kamakailan.

Nag-post si Sarah ng litratong nakaluhod sa harapan niya si Richard at may iniaabot na singsing na puro snow ang paligid na kuha sa Switzerland.

Caption ni Sarah, ”The stars aligned in the universe and this happened. I’m marrying my best friend.”

Si Richard naman ay nag-post din sa kanyang IG account ng litratong karga niya si Sarah habang ipinakikita ang engagement ring.

Caption ng aktor, ”I love you and I can’t wait to start this new chapter of our lives together.”

Memorable sa magulang ni Zion ang bansang Switzerland dahil dito nagtago noon si Sarah habang ipinagbubuntis niya ang anak at dito na rin nanganak.

Hindi pa nagbigay ng detalye sina Richard at Sarah kung kailan ang kasal, pero ang gusto ng aktres ay sa Europe ang venue at ang honeymoon nila ay sa Cocos Island National Park sa Costa Rica, Central America.

Speaking of La Luna Sangre ay patuloy pa ring hinahanap ni Sandrino (Richard) si Malia (Kathryn Bernardo) dahil nga nagbago ng anyo ang dalaga kaya hirap ang pinuno ng bampira kung saan at paano ito matatagpuan.

Ang problema, tauhan na nina Sandrino ang boyfriend ni Luningning (Kristel Fulgar) na si Nognog (Francis Magundayao) kaya sinundan ni Malia (Kathryn) ang binata noong makita niya ito sa opisinang pinaglalakuan niya ng pagkain na umere noong Lunes ng gabi sa La Luna Sangre.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …