Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, never tinalikuran si Tito Alfie

HINDI malinaw sa amin kung dead on arrival ang talent manager na si Tito Alfie Lorenzo sa San Juan De Dios Hospital noong itakbo siya kahapo ng madaling araw dahil inatake sa puso habang naglalaro ng paborito niyang slot machine sa Solaire Resorts and Casino, Paranaque City.

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin ay 2:12 ng madaling araw binawian ng buhay si Tito A (tawag sa kanya sa showbiz) sa edad na 78.

Nagulat ang dating alaga niyang si Judy Ann Santos noong makarating sa kanya ang balita at kaagad siyang tumawag sa Arlington Funeral Homes sa may Araneta Center para sa pagbuburulan ni Tito Alfie.

Ang nasabing talent manager ang nag-manage sa magkapatid na Jeffrey at Judy Ann, Liberty Boys, Sunshine Cruz at iba pa.

Nagsimulang i-manage ni Tito Alfie si Judy Ann sa edad na 17, panahon ng Mara Clara at nagkahiwalay sila bilang talent at manager noong Oktubre 2016.

Alam sa buong showbiz ang away-bating relasyon nina Tito Alfie at Juday pero sa kabila niyon ay hindi umalis ang aktres dahil bukod sa tumatanaw siya ng utang na loob sa kanyang manager ay itinuring niya itong ama at ‘tatay’ ang tawag niya.

Hindi man naging maganda ang paghihiwalay nina Tito Alfie at Juday noong nakaraang taon ay hindi pa rin totally tinalikuran ng aktres ang manager niya dahil katwiran niya ay ‘pamilya’ ang turingan nila maski sa huling sandali.

As of this writing ay sa Arlington Memorial Chapel, Araneta Avenue nakaburol si Tito Alfie hanggang Huwebes dahil iuuwi siya sa Porac, Pampanga para roon ilibing sa tabi ng puntod ng mama niya.

Sa pamilya ni Tito Alfie ang lubos naming pakikiramay mula sa Hataw.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …