Monday , December 23 2024

Bea at Iza kabugan sa acting sa kanilang banggaan sa “A Love To Last”

PAGDATING sa aktingan ay wala halos itulak kabigin kina Bea Alonzo at Iza Calzado na magkasama sa “A Love To Last.”

Kung si Iza ay mayroon nang international acting award bilang Best Actress sa 2017 Osaka Film Festival

para sa Jerrold Tarog movie na Bliss, si Bea, ay kawawagi lang ng Best TV Actress sa 2nd Golden Laurel: LPU Batangas Media Awards.

May iba pang awards ang mga nabanggit na Kapamilya actress na ngayon ay mas intense ang banggaan at eksena sa tinututukang ALTL lalo’t may balak si Grace (Iza) na agawin kay Andeng(Bea) ang dating mister na si Anton (Ian Veneracion).

Dahil kasosyo na sa negosyo ay madalas na kasama ngayon ni Grace si Anton at may scene na noong magpaalam siya sa kanyang ex ay hinalikan niya ito sa pisngi pero patay malisya lamang si Anton.

Well, sa harapan ni Andeng ay pakunwaring nag-dialogue si Grace na purely business lang daw ‘yung sa kanila ng estranged husband pero huwag ka at gusto niyang mag-flirt kay Anton at may balak pang agawin kay Andeng.

Maging sa tatlong anak nila ni Anton ay nakikipag-kompetensiya rin siya kay Andeng na parang gusto niyang ipamukha na walang karapatan na maging ina. Sa rami ng challenge na hinarap ni Andeng, magmula nang ikasal siya sa single dad na si Anton, itong set-up ngayon na magkatrabaho sa iisang kompanya sina Anton at Grace ay kayanin kaya ng sweet na Batangueña?

Paano kapag naaktohan niya si Grace, na nakikipaglandian kay Anton? Ano kaya ang kanyang magiging reaction lalo’t siya na ang present wife, kaya lahat ng karapatan ay nasa kanya.

Para huwag mabitin ay patuloy na tumutok gabi-gabi sa A Love To Last, na napapanood pagkatapos ng La Luna Sangre ng KathNiel sa ABS-CBN Primetime Bida.

COCO MARTIN
NAGBIGAY-PUGAY
SA KABAYANIHAN
NG PNP-SAF,
FPJAP nagkamit na naman
ng highest rating na 43.8%

Base sa bagong datos ng Kantar Media ay umabot sa 43.8% ang rural rating at 39.7% naman nationwide ang episode nitong Lunes, 31 Hulyo, sa bagong libro ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na may hashtag na #FPJAP kalagayan.

Muling pinatunayan ni Coco Martin na sa loob nang halos dalawang taon, ang kanyang Ang Probinsyano ang number show sa buong bansa. Samantala sa bagong episode ng nasabing action drama series, sa pamamalagi ni SAF Cardo (Coco) sa kuta ng mga rebeldeng Pulang Araw matapos siyang mabaril ni Alakdan (Jhong Hilario) ay may nadiskubre siya mula kay Lena (Yam Concepcion) na anak ni Romulo “Leon” Dumaguit (Lito Lapid).

Sinabi sa kanya ni Lena, walang tinatapakang maliliit ang grupong pinamumunuan ng ama at ng matandang si Andoy alyas Lawin (Dante Rivero) na nagtatag ng Pulang Araw kundi ang kanilang prinsipyo at ang kanilang paniniwala sa kanilang karapatan ang tanging layunin ng pangkat.

At ngayong nalaman na ni Cardo, ang ipinaglalaban ng Pulang Araw, mabago pa kaya ang pagtingin niya sa mga rebelde na gusto niyang paghigantihan sa pagkamatay ng anak nila ni Alyana (Yassi Pressman) na si Ricky Boy.

Lingid sa kanyang kaalaman ay dalawa lang sa taksil na mga rebelde ang gumawa nito at sila ay sina Alakdan at Gagamba (Ronwaldo Martin).

Sa napanood na episode kagabi, sumama na si Cardo sa pangkat ng Pulang Araw sa intensiyong makamit ang hustisya hindi lang para kay Ricky kundi para sa mga kapwa PNP SAF na nagbuwis ng buhay para sa bayan. Sa pamamagitan ng isang post sa kanyang social media account ay nagbigay-pugay si Coco sa SAF 44 Commandos na nasawi noon sa giyera sa Mamasapano Maguindanao.

Aniya, “Itinaya ang buhay para sa bansa. Saludo po ako sa lahat ng mga sundalo.”

Patuloy na napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano weeknights right after TV Patrol on ABS-CBN2.

LIBRO NI CONGW. EMMELLINE
AGLIPAY-VILLAR, MALAKING TULONG
PARA SA MAYSAKIT NA LUPUS

Dalaga pa lang si Diwa Party-list Representative Emmelline Aglipay-Villar (maybahay ni DPWH Sec. Mark Villar) ay kaibigan na siya ng aming mabait na bossing-friend na President at CEO ng Fortune General na si sir Jun Cabangon o mas kilala sa tawag na sir Jaac. Kaibigan rin ni sir Jaac si Mark, kaya happy ang guwapong businessman at ang dalawa ang nagkatuluyan.

Kung noong kumakandidato pa lang si Rep. Emmelline ay nakasuporta na sa kanya ang boss namin, hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin siya sa kanyang mga proyekto gaya ng bagong labas niyang libro tungkol sa sakit na Lupus.

Sa launching ng book ni Rep. Aglipay na Living Better With Lupus, a handbook for people with lupus and anyone who has a loved one battling with the disease. Ang mga personal experience mismo ni Congw. Emmelline, sa kanyang sakit na lupus ang karamihan sa nilalaman ng libro.

“When I was diagnosed, I was not able to find any book on lupus here in the Philippines and I had to rely on information in the internet which is not always accurate,” say ng matalinong manugang ni former senator Manny Villar.

Samantala bukod sa mga kaalaman tungkol sa sakit na lupus at kung paano ito magagamot, ang naturang libro ay naghahatid din ng isang malinaw na mensahe na ang mga taong may sakit nito ay puwede rin mabuhay nang normal. Ang lahat ng kikitain ng libro ay mapupunta sa Hope for Lupus Foundation, Inc., a non-profit organization na itinatag ni Congw. Aglipay to raise awareness about Lupus.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *