Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanya, inilahad ang mga nagustuhan kay Roco

PINABULAANAN ng Kapuso Actress na si Sanya Lopez na nagkakamabutihan na sila ni Roco Nacino.

Ani Sanya nang mag-guest sa DZBB Walang Siyesta, ”Hindi naman po, close lang kami na parang barkada.

“Nagsi-share na rin kami ng secrets sa isa’t isa. Parang mga ganoon po.”

Hindi naman isinasara ni Sanya ang pinto sa posibilidad na ma-develop din siya sa binata. ”I’m open naman po pagdating sa relationship, kasi single naman po ako and single din naman siya.

“Pero sa ngayon, hindi pa ako handa and mas priority ko kasi muna ang career.

“At saka kung anuman po ang mangyari, then, go po. Only time can tell, if magiging kami po, magiging kami.”

Isang bagay nga ang nagustuhan ni Sanya kay Roco. ”Mabait po siya, guwaposiya and very gentleman, maalaga sa katrabahong babae.

“Madalas magkasundo naman kami, maraming bagay kasi kaming parehong gusto, kaya siguro click kami sa isa’t isa.

Pero kung napagkikita silang sweet ay normal lang kay Roco na ginagawa sa mga babaeng nakakatrabaho.

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …