Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, ayaw nang gumawa ng teleserye

NAKITA naming palinga-linga si Mommy Carol Santos sa ABS-CBN ELJ hallway at hinahanap niya ‘yung bilihan ng bulaklak sa gilid at sinabi naming wala na ‘yung mga tiangge dahil ipinagbawal na.

Nanggaling si Mommy Carol sa taping ng Bet On Your Baby na hino-host ng anak niyang si Judy Ann Santos-Agoncillo.

“Dinalhan ko kasi ng food. Nakatapos na ako ng isang episode kaya bumaba na kami, kasi itong kaibigan kong galing ng Amerika, ipapasyal ko pa,” say sa amin.

Dumaan ng Starbucks si Mommy Carol kasama ang kaibigang walang ginawa kundi mag-pictorial sa kapaligiran ng Gazebo ng ABS-CBN.

Mahabang kumustahan ang nangyari dahil taon na rin ang binilang noong huli kaming magkita ng nanay ni Budaday (Judy Ann) at hanggang Facebook lang kami nagkakakitaan ng mga ginagawa.

Tuwang-tuwang ikinukuwento ni Mommy Carol ang tatlong apo niya kina Juday at Ryan Agoncillo dahil iba-iba ang ugali.

“Pinakamabait sa lahat si Lucho, kasi mapagbigay at marunong magsabi ng ‘sorry’ and ‘please.’ Si Luna naku, malditang bata. Noong una kapag ngumangawa, ang panakot nila si daddy (Ryan) niya, sasabihin ni Juday, ‘look, there’s daddy Ryan’ at hihinto naman sa pag-iyak si Luna. Aba’y sa katagalan, eh, hindi na takot. At saka suplada, pero ang gandang bata, ‘di ba?



“Noong una, akala ko si Ryan ang kamukha kasi siyang-siya, pero habang lumalaki, si Juday na, maamo ang mukha,” masayang kuwento ng proud lola.

Eh, si Yohan? “Ay iba naman ang topak niyon, kapag may gusto, talagang ipipilit at nangangatwiran na. Talagang nagde-debate sila ni Juday, takot naman ‘yun kay Ryan,” kuwento ni Mommy Carol.

Pero sobrang proud ang pamilya Agoncillo at si mommy Carol kay Yohan dahil, “champion sa swimming, ang galing na bata kaya nakakatuwa at naku, dumudugo na ilong ko sa kanya, slang-slang na magsalita ng English, kung dati, eh, medyo naiintindihan ko pa, ngayon iba na, twang-twang na, ha, ha, ha,” natatawang sabi pa ng mudra ni Juday.

Nabanggit ding may pelikulang gagawin si Juday sa Starcinema pero hindi pa niya alam kung ano at nabanggit naming co-prod iyon ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso na ididirehe ni Jun Lana ng IdeaFirst Company at si Angelica Panganiban ang kasama na may titulong dalawang Mrs. Reyes.

Tinanong namin kung may seryeng gagawin ang aktres, “may offer yata, pero parang ayaw na ni Juday ng serye kasi madaling araw na natatapos, eh, hindi puwede kasi hinihintay siya ng mga bata. Hindi natutulog hangga’t wala siya, eh, may pasok pa kinabukasan.

“Kaya ‘yung huling serye (Huwag Ka Lang Mawawala-2013) niya natapos kaagad kasi nga lumalampas na sa cut-off time niya, eh, dapat extended pa, umayaw na siya,” paliwanag ng nanay ni Mrs. Agoncillo.

Actually, ‘yan din ang sinasabi ng ibang artista na gustong-gustong magkaroon ng teleserye, pero hindi naman nila kaya ang puyatan na tapings lalo na ‘yung mga nakararamdam na ng sakit sa katawan.

“Kaya okay na kay Juday itong ‘Bet On Your Baby’, tuwang-tuwa siya lalo na’t mga bata ang bida, alam mo naman ang anak ko, mahilig talaga sa bata,” sabi pa ni mommy Carol.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …