Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Tunay na naglilingkod sa bayan

There is always the danger that we may just do the work for the sake of the work. This is where the respect and the love and the devotion come in — that we do it to God, to Christ, and that’s why we try to do it as beautifully as possible.

— Mother Theresa

PASAKALYE:

Naging magaspang ang pamamahala ni Pangulong Duterte, hindi maikakaila na umangat ang ating ekonomiya dahil sa kanyang ‘hands on’ policy ng paggogobyerno, punto ni Capiz 2nd District representative Fredenil Castro sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila.

Krinedito ni Castro ang sinseridad ng Pangulo sa pagpapatupad ng batas at pagsugpo sa kriminalidad, partikular ang pangangalakal ng ilegal na droga, bilang dahilan sa mataas na approval rating ng punong ehekutibo at gayondin sa patuloy na pag-unlad ng bansa.

“We cannot deny that 82 percent of the citizenry favors the President and his policies. Ito ang pulso ng bayan at hindi natin puwedeng balewalain ito,” idiniin ng mambabatas.

Kasabay nito, inihayag din nitong nakalalamang na maantala ang eleksiyon sa mga barangay dahil mas nais ng administrasyon na maresolba muna ang usapin ukol sa paghahari ng narco-politics sa ating politika, na ayon sa mga datos ay laganap sa mga opisyal ng barangay.

“Alam nating hindi pa napapatigil nang lubusan ang problema sa droga kaya kailangan solusyonan natin ang involvement ng mga barangay sa suliraning ito,” ani Castro.

Dahil dito, mas makabubuti umanong linisin muna ang mga barangay sa pamamagitan ng ‘tokhang’ sa mga opisyal na sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.

Binigyang-pansin ng kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Capiz ang sunod-sunod na pagkahuli o pagkakapatay ng ilang mga barangay chairman na sinasabi o pinaghihinalaang may kinalaman sa krimen o mga ilegal na aktibidad.

“Marami pa ang mangyayari kaya hintayin na lang natin kung ano ang magiging desisyon dito dahil tiyak na makabubuti ito para sa sambayanan,” pagtatapos ng mambabatas.

NAPANOOD po ng inyong lingkod ang panayam ni Mike Enriquez kay Commissioner Nicanor Faeldon at na-impress po tayo sa ipinakitang sinseridad ng itinalagang tagapangasiwa ni Pangulong Digong sa Bureau of Customs (BoC).

Marahil ay maraming sasalungat sa ating obserbasyon dahil sa matagal na panahon, ang BoC ay nakilala bilang isa sa pangunanhing ahensiya ng pamahalaan na namumugad at namamayagpag ang korupsiyon.

Tinutukoy naman po nating sinseridad ni Faeldon ang kanyang pagiging ‘cool’ sa harap ng batikos at patibong na katanungan habang naka-ere sa national television at pinapanood ng daang milyong Filipino.

Mali man ang ating kuro-kuro, sana ay respetohin ng iba dahil naniniwala po tayong mas makabubuti para sa ating bansa kung bibigyan natin ng oportunidad ang mga nanunungkulang opisyal na patunayan nila ang kanilang katapatan at pagmamahal sa bayan.

May kasabihan po: Let us give him enough rope to hang himself… Iyan nama’y kung tiwali si Ginoong Nicanor. Dangan nga lang ay naniniwala tayong tunay siyang naglilingkod para sa kapakanan ng sambayanan.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *