Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kita Kita, gumawa ng history sa movie industry; Empoy, pantapat kay JLC

YOU can’t argue with success, ito ang kadalasan naming naririnig kapag pinagpapala ang isang tao lalo na kung hindi ito inaasahan.

Ganyan ang nangyayari ngayon sa indie film na Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na kasalukuyang ipinalalabas sa 202 theaters nationwide and still counting dahil ‘yung iba ay makailang beses na itong inuulit kaya naman may mga screening na sold out ito sa ilang sinehan sa Metro Manila.

Noong Linggo, Hulyo 23 ay kumabig ng P25-M sa isang buong araw ang Kita Kitaat nitong Biyernes ay kumita ng P22-M sa isang buong araw kaya nasa kabuuang P150-M na ang kinikita ng Kita Kita as of Friday midnight. (At noong Sabado, na ika-2nd week na, kumita na ito ng P33-M at ipinalalabas sa 202 cinemas—ED)

Gumawa ng history sa movie industry ang Kita Kita dahil sa unang araw ng pagpapalabas nito ay wala pang 100 cinemas at habang lumalakad ang mga araw ay padagdag ng padagdag kaya naman panay ang pasalamat ng buong team ng Kita Kita at Spring Films producers sa lahat ng nakapanood at pinanood pa ng ilang beses at sa mga manonood palang.

At pinupuri nang husto si Empoy na leading man ni Alessandra, ‘Panget is the new Pogi.’ Ito ang mga nababasa namin ngayon sa social media dahil hindi kailangan ng guwapo o pogi para maging effective leading man, oo nga naman.

At dahil dito ay nakuha ni Empoy ang atensiyon ni Sharon Cuneta noong mag-post ng litrato ang komedyante na ginaya ang litrato ni John Lloyd Cruz na naka-display sa hallway ng ABS-CBN main building.

Post ni Sharon sa social media account niya, ”Aba aba aba! Eh Kung ikaw (Empoy) ba naman ang makatapat sa movie ni JLC (John Lloyd Cruz) na kumikita ka rin sa takilya eh may karapatan ka na talagang tawaging Leading Man at Box-Office Star!

“I’m sure JL is super happy too for Empoy! Tsk tsk tsk, Tita Malou @malousantos03, Inang @olivia_manalili, and Tita Charo @charosantos, naghintay at sumakit lang ulo natin ng napakatagal, eh, si Empoy Lang pala ang kasagutan, ang bait pa! Hahahaha!”

At dito kami natawa nang husto dahil ikinompara ni Sharon si Empoy sa alaga niyang ariwana.

“(Waaaaaaaahhh! Wala na akong Ariwana sa aquarium ko! Sikat na siya! Hahahaha! Aba super-deserving naman at napakabuting tao ng Empoy pogi namin!).”

Anyway, pakiramdam namin ay gustong ipahiwatig ni Empoy sa ABS-CBN management na may K din siyang bigyan ng litratong naka-kuwadro sa hallway kaya siya tumabi kay Lloydie at para sabihin din sa aktor, ”kung anong kaya mo, kaya ko rin!”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …