Monday , December 23 2024

Illegal terminal sa Plaza Lawton bawal kotongan

PATUNAY na talagang ugat ng krimen ang illegal terminal na pinatatakbo ng sindikato sa Plaza Lawton sa Maynila na malimit nating itampok sa pitak na ito, tatlong miyembro ng Manila Police District (MPD) na naaktohang nangongolekta ng “TONG” ang nadakip ng mga kapwa nila pulis, kamakailan.

Huli sa ikinasang entrapment ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) si PO2 Joseph Tecson Buan at 2 pang kasamahang pulis-MPD nitong nakaraang Biyernes sa hindi nasasawatang illegal terminal na matagal nang bumababoy sa sagradong monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Lawton.

Tatlong bus companies na pumaparada sa illegal terminal sa Lawton ang ayon sa balita, ay kabilang sa kinokolektahan ni Buan at ng mga kasamahang pulis sa MPD ng protection money kada linggo.

Sa katotohanan, hindi pinapayagang pumasok sa Maynila ang mga metro at provincial bus, liliko pakaliwa sa Vito Cruz mula Roxas Blvd. at iikot sa Taft Avenue pabalik sa pinanggalingan ang mga biyaheng South.

Pero ang nakapagtataka ay kung bakit pinapayagan na makarating hanggang Lawton ang mga bus ng tatlong kompanya.

Maliwanag na timbrado sa Manila City Hall ang tatlong bus companies na kinokotongan ng grupo ni Buan kaya sa dinami-rami ng bus company ay tatlong kompanya lamang ang exempted na malayang makabiyahe hanggang sa Lawton at puwede pang makapag-terminal sa paligid ng Central Post Office Bldg. sa Lawton.

Kung labag sa batas ang extortion, labag din sa batas ang illegal terminal na matagal nang nagpapayaman sa sindikato at mga tiwali sa Manila City Hall at MPD.

Sana ay inaresto rin ng PNP-CITF ang mga driver ng bus company at kanilang operator, lalo na ang sindikatong nasa likod ng illegal terminal.

‘Yan naman ay kung hindi kasali ang PNP-CITF at ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na nasusuhulan sa raket ng sindikatong nagpapalakad ng illegal terminal sa Lawton.

Hindi ba mas tumpak na ang illegal terminal mismo ang dapat unahing buwagin ng PNP-CITF?

Teka nga pala, sino ang nagsumbong sa PNP-CITF sa extortion activities ng pulis-MPD na si Buan at kanyang grupo, ang mga operator ng bus company o ang untouchable na utak ng sindikato ng illegal terminal sa Lawton, aber?

Para sa akin, mas kapani-paniwala na ang operator na ayaw mabawasan ang malaking kinikita sa illegal terminal ang nagpahuli kay Buan at sa dalawa pa niyang kasama.

Mahigit sampung taon ang nakararaan, isang dating pulis na nagngangalang Benavidez na karibal sa illegal terminal sa Lawton ang pinatay.

Isang anak naman ng dating piskal sa Maynila ang inambus at pinatay rin na sinasabing kagagawan din ng sindikato ng illegal terminal sa Lawton.

Sentido kumon lang, kung walang illegal terminal ay tiyak na walang mangongotong.

MMDA chairman Gen. Danilo Lim, kaya mo bang ipabuwag ang illegal terminal na ‘yan na matagal nang namamayagpag sa Lawton?

Ang magandang abangan ay kung si Chairman Danny Lim o ang illegal terminal sa Lawton ang unang mabubuwag.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *