Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy mas pinili ng Warner Bros. at mga bagets na kasali sa LBS

MATINDING pinabulaanan ng ABS-CBN executive na paborito ng management si Billy Crawford bukod pa sa malakas din sa network ang manager nitong si Arnold L. Vegafria dahil ang aktor/TV host ang napiling host para sa bagong programang Little Big Shot na magsisimula na sa Agosto 12 at 13.

Parehong nag-audition sina Billy at Ogie Alcasid at katunayan, nauna pa ang huling mag-taping at aliw na aliw nga ang isa sa Your Face Sounds Familiar judge sa mga batang contestants ng LBS.

Kaya laging gulat na lang ng kampo ni Ogie na si Billy ang napili gayung nakapagtaping na raw siya.

Sabi sa amin ng ABS-CBN executive, ”mock taping ‘yun, hindi pa final ‘yun kasi iprinesent pa ‘yun sa Warner Bros at sila ang namili kung sino ang dapat na host sa ‘Little Big Shot’.”

Ano ba ang basehan sa pagpili ng host para sa Little Big Shot.

“Ang explanation nila sa amin, pareho nilang nakitaan ng rapport sa bata sina Billy at Ogie, pero may mas napansin ng Warners Bros na parang hindi kilala pa ng mga bata si Ogie, kasi nga siguro bago palang siya sa ABS at sa ‘Your Face Sounds Familiar’ palang naman siya regular na napanood before and some TV guestings. Unlike Billy, halos laman siya ng telebisyon like ‘It’s Showtime’ na halos everyday napapanood siya, six days a week, tapos there was a time na na sa ‘Your Face Sounds Familiar’ din siya as host.

“In other words, mas maraming exposure si Billy kaysa kay Ogie and it’s a big factor iyon for kids. Same kids din naman ‘yung kasama nina Ogie at Billy sa mock taping.

“Hindi naman ang ABS-CBN management ang magde-decide kung sino ang dapat host ng show (LBS) siyempre ang franchise owner, ang Warner Bros,” kuwento sa amin.

Masasabing pawang sa Kapamilya Network lang nanonood ang kids na sumali saLittle Big Shot kaya hindi nila kilala si Ogie D Pogi na rating nasa GMA 7 at TV5.

“Well, ang kids ang dapat sumagot niyan hindi kami (executives) kasi sila naman ‘yung na-encounter ni Ogie,” katwiran sa amin.

At ang mga edad na kasama sa LBS ay, ”mayroon kaming 3 years old sa show, mayroon nga 2 years old, sobrang galing, kaso hindi namin in-accommodate kasi masyadong bata, baka nagde-dede pa ‘yun, ha, ha. Actually, we have 3 years old sa show and my 13 years old din kami, malalaki ‘yung ibang contestants, nakagugulat ang mga bata ngayon. Siyempre ang basehan dapat talented ka, kakaiba ‘yung talent mo hindi lang sa singing, dancing, acting etcetera.”

Sayang at hindi namin naitanong sa kausap naming bossing ng ABS-CBN kung anong height ng mga bagets sa LBS kasi baka isa rin sa ikinonsidera ng Warner Bros ang height ni Ogie dahil kung matatangkad ang contestants, eh, baka matabunan na siya kapag isinama na siya sa lahat, lalo’t baby face pa naman si Da Pogi. Hindi katulad ni Billy na kitang-kita mo na siya ang host.

Si Steve Harvey kasi ay 6’5 ang height kaya maski na matatangkad ang mga bata sa ibang bansa ay hindi naman matatabunan ang sikat na TV host.

Ano naman ‘yung tsikang kasama sa kontrata ni Ogie ang Little Big Shot, ”as far as I know, hindi totoo,” sabi sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …