NAKAHANDA ang militar at pulisya na isara ang tatlong paaralang itinayo ng mga maka-kaliwang grupo na nagtuturo sa mga Lumad na huwag maniwala sa Diyos at maglunsad ng rebolusyon laban sa pamahalaan.
Sinabi ni Armed For-ces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, may umiiral na batas kapag hindi nagtuturo nang tama ang isang institus-yon ay puwede itong ipa-sara ng Department of Education (DepEd) at nakahanda ang pulisya at militar na umayuda para isakatuparan ito.
“Nape-pressure po kasi ang DepEd sa rami po ng kanilang nagiging mga panawagan diyan. Pero sa regulasyon po, sa batas natin, ‘pag hindi nagtuturo nang tama ang isang institusyon, maaari po talagang isara ‘yan. At kami sa Armed Forces at sa pulisya kung ano pong pinag-uutos sa batas, i-papatupad namin because we are here to establish the rule of law,” ani Padilla.
Tinukoy ni Communications Assistant Secretary Marie Banaag ang tatlong left-oriented indigenous people schools na nagtuturo ng paniniwala sa komunismo at mag-aklas laban sa pa-mahalaan, ang Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development, Inc. (Alcadev), Center for Lumad Advocacy and Services, Inc. (Clans) at Salugpungan Community Learning Center.
Wala aniyang permit at hindi sumusunod sa curriculum ng DepEd ang naturang mga paaralan at tumangging magsumite ng requirements sa kagawaran. Giit ni Padilla, bagama’t bahagi ng libe-ral education ang pag-aaral ng komunismo, hindi ito dapat itinuturo sa mga bata upang i-brainwash sila, lalo na ang huwag maniwala sa Diyos.
“Sa murang edad, dapat ang ibinibigay mo na aral sa mga bata ay ‘yung tama. Ano ‘yung mga tama na ‘yun: Fear of God, love of country, love of family, the appreciation of the correct values that you want your citizens to have. And these schools are not teaching that. This is an issue that has been going on since before the election. And you know that, I’m sure of it. It was an issue that was escalated and it was exaggerated by many cause-oriented groups whose minds and line of thinking we cannot fathom because it’s so evil,” aniya.
“Why would you want to brainwash a child just because you want them to perpetuate what you want them to do. It is not good from the pers-pective of pedagogical approaches, hindi ‘yan tama. At ‘yun po ang itinatama rito. Dahil itong mga batang ito na nasa murang edad ang magi-ging kinabukasan ng ba-yan na ito kaya kinakai-langan ilagay sila sa ayos. Tandaan ninyo, hindi po sila nagtuturo na magkaroon ng takot sa Diyos,” dagdag niya.
Ang mga nasabing paaralan aniya ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mawala sa mga pamayanan ng mga Lumad at ang pahayag na bobombahin ito ay bahagi lang ng paraan ng Punong Ehekutibo upang maipahatid ang matin-ding mensahe sa mga pangkat na nasa likod ng operasyon nito.
ni ROSE NOVENARIO