IGINAGAWA nang kaaway si beloved Pres. Rodrigo R. Duterte nang ilan sa kanyang mga naitalaga sa puwesto.
Tila sinasadya nang ilan sa mga pinagtiwalaan pa man din ng pangulo, na magpatupad ng mga patakaran na ikagagalit nang marami kay Pang. Digong.
Noong una, ipina-ngalandakan ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na wala raw babayaran ni isang kusing ang overseas Filipino workers (OFWs) sa electronic identification card na ipapalit sa Overseas Employment Certificate na tatawaging iDOLE Card.
Ipinagyabang ni Bello na bukod sa walang bayad ay libre rin pati ang delivery ng iDOLE Card na ihahatid sa mga OFW sa pamamagitan ng door-to-door.
Pero ngayong nailabas na ay biglang naiba ang kuwento, may bayad na P750 ang iDOLE Card.
Kaya umalma ang mga kababayan nating OFW dahil karagdagan na naman itong pabigat sa kanilang mga binabayaran bago makaalis para maghanapbuhay sa ibang bansa.
Palusot ni Eleven Indians, este Bello, ang ba-yad daw ay hindi sa mga OFW sisingilin, kung hindi sa mga employer.
Sa pagkakatanda ko ay ganyang-ganyan din ang sinabi ng gobyerno noong itatag sa panahon ni yumaong Pang. Ferdinand Marcos ang dating Welfare Fund Administration na ngayo’y tinatawag na Overseas Workers Welfare Fund (OWWA), ilang dekada na ang nakararaan.
Pero pagpasok ng administrasyon ni Cory Aquino ay pinalitan ang pangalan ng ahensiya at ngayon nga ay tinatawag na Overseas Workers Welfare Fund (OWWA).
Kasabay ng pagpapalit ng pangalan ay si-nimulan na rin ng OWWA sa panahon ni Cory ang paniningil ng kontribusyon sa OFWs na dapat ay mga employer ang nagbabayad.
Nakalimutan yata ni Bello na salungat ang paniningil sa inaasahang malasakit ng pangulo sa mga OFW at kanilang pamilya na malaki ang naiambag na boto kay Pang. Digong?
Sa katulad pa lang ni Bello, hindi na nanga-ngailangan si Pang. Digong ng kalaban sa opo-sisyon.
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG – Percy Lapid