Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Eastern Samar Gov. Conrado Nicart, Jr. comatose nga ba?

IPINATATANONG ng mga taga-Eastern Samar kung ano na ang health status ngayon ng kanilang gobernador na si Conrado Nicart, Jr.?

Habang naghahanda ng kanilang reklamo sa Ombudsman ang mga nagmamalasakit o crusader na Samarnon na pinangungunahan ng mamamahayag na si Art Tapalla, Joel Amongo, kasalukuyang presidente ng Department of the Interior and Local Government – National Police Commission (DILG-NAPOLCOM) Press Club at Tirso Paglicawan, Jr., nagpapakilalang anti-corruption crusader, biglang napabalitang na-comatose umano si Gov. Nicart.

Kamakalawa, sinampahan ng iba’t ibang kasong korupsiyon nina Tapalla, Amongo at Paglicawan si Nicart, ang kanyang kabiyak na si Mayor Thelma Uy-Nicart at ang 11 Provincial Capitol officials sa Ombudsman.

Ang 11 Provincial Capitol officials na sinampahan ng kaso ay sina Executive Assistant II Josephine Lyn Uy Hui, Executive Assistant Mark Joseph Uy Hui, budget officer Eleanor Lombedencio, accountant Lea Gargando, at chief of staff Virgilio Capon na kasalukuyang OIC Governor.

Kasama rin sa sinampahan ng kaso ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) na pinangungunahan ni Dr. Deogracia Paanom bilang chairman, Belindo Morallos, vice chairman, at mga miyembrong sina Joselio Mutia, Engr. Thomas Campomanes at Cirilo Quinsonayas at iba pa na pansamantalang kinilala bilang ‘John Does’ at ‘Jane Does.’

Nagsampa ng reklamo sina Tapalla dahil matagal nang hindi nagpapakita ang kanilang gobernador sa publiko.

Bukod diyan, nakikita ng mga taga-Eastern Samar na si ‘Mayora’ ang umaaktong gobernadora.

Kung nakikita man umano sa Kapitolyo so Gov. Nicart, lumalabas na siya ay isang observer lamang sa mga pagpupulong o komperensiya. Hindi nagsasalita at mukhang hindi rin nauunawaan kung ano ang pinag-uusapan.

Sa ganitong kalagayan, lalong tumitindi ang hinala ng mga Este Samarnon na wala nang kakayahang mamuno ang kanilang gobernador at namamanipula na lang ng ‘Mafia’ sa kapitolyo.

DILG OIC, Undersecretary Catalino Cuy Sir, puwede bang huwag na natin hintayin ang de-sisyon ng Ombudsman dahil baka matabunan lang ang reklamo ng mga katoto namin?

Puwede bang paki-imbestigahan na ninyo kung ano ba talaga ang status ng kalusugan ni Eastern Samar Gov. Conrado Nicart, Jr., at ano na ba talaga ang nangyayari sa kanilang lalawigan?!

Kaya siguro maraming pumapabor sa pederalismo kasi alam nila kapag may ganitong prob-lema o isyu sa kanilang lalawigan ay mabilis na maaaksiyonan.

Sa sistema ngayon, kailangan pang maghintay ng mga Este Samarnon sa aksiyon ng national government bago nila malaman kung magagawaran sila ng katarungan.

Aksiyon lang po, DILG OIC Cuy!

 

MAE PANER
a.k.a. ‘JUANA CHANGE’
INSENSITIVE SA KALAGAYAN
NG ATING MGA SUNDALO

Isa tayo sa mga nalungkot sa ginawa ng nagpapakilalang artista ng bayan na si Juana Change a.k.a. Mae Paner.

Nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, sumama sa mga raliyista si Juana Change na nakasuot ng uniporme ng Philippine Army. Nagpakuha siya ng retrato at nag-post sa social media na ganito ang caption: Major Juana Change Push para sa pagbabago #SONA2017.

Bagama’t naka-uniporme ng PA, naka-boots at naka-military cap, katawa-tawa naman ang itsura ng kanyang mukha, nagsuot ng wig na blonde at malaking sunglasses.

Iyon ay isang satirikong pangungutya sa ating mga sundalo.

Dahil hindi naman siya isang sundalo o reserve officer ng AFP!

At hindi lang tayo ang nakapansin nito.

Maging si retired Lt. Col. Bartolome Bacarro ay hindi nakatiis at nagpahayag ng kanyang pagkadesmaya at obserbasyon sa social media.

Ang sabi nga niya, hindi niya ugaling mag-komento at mag-post sa social media pero sa ginawa ni Juana Change, tumindig siya para ipagtanggol ang ‘binabastos’ na imahen ng mga sundalo.

Ayon kay Lt. Col. Bacarro, kung hindi inirerespeto ni Juana Change ang mga sundalo, sana iginalang na lang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng hindi pagsusuot ng uniporme nila dahil hindi bagay o hindi karapat-dapat sa kanya.

Ang masakit sa lahat, nang sabihin ni Lt. Col. Bacarro na: “If you don’t respect the people that wear the uniform, people that have given so much, people that have sacrificed a lot, people that despite the unfathomable pains and losses they have incurred continue to remain silent as they await the next command that would once again unselfishly put themselves between you and harms way… the least that you can do is respect yourself by not wearing OUR uniform, because you don’t deserve to wear one.”

Araykupo!

Noon pa man ay overacting ang impresyon namin kay Juana Change.

Huwag natin kalimutan mga suki na si Juana Change ay kabilang sa mga nagluklok kay Noynoy sa Malacañang.

Pero paglipas nang ilang panahon, biglang binabanatan na rin niya si Noynoy. Hindi tuloy natin alam kung ano talaga ang kanyang ipinaglalaban.

Nakahanda na rin sampahan ng kaso ng AFP si Madame Juana Change dahil sa “act of illegally using an AFP uniform in violation of Article 179 of the Revised Penal Code (Unauthorized Use of Uniforms) and RA 493 (Prohibition of Use of Insignias, Decorations, Badges and patches prescribed for the AFP).”

Suggestion lang kay Juana Change, next time na mag-mimic siya, si lechon ‘este Senator Franklin Drilon naman ang gawin niyang modelo — no need to change her costume.

Excuse me po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *