BULONG ng ating impormante, sa pagdinig kamakailan ng custody case ng baguhang guwapong aktor na anak ng high ranking gov’t official laban sa ex na sexy actress ay may nangyaring eksena.
Nauna raw dumating sa korte si actor na ang ganda ng porma at naka-shades kasama ang kanyang sikat na lawyer, tapos sumunod naman si actress na bagamat maganda ay wala raw ka-ayos-ayos sa sarili na parang hindi pa nakapagsuklay.
Ayun dahil magkatabi sila ng dating nobyo ay panay daw ang papansin nito at kinalabit pa ‘yung guy at kinausap pero waley nangyari dahil deadma talaga na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Pero kahit ikinaloka ito ni actress ay hindi na lang siya kumikibo dahil ang gusto niya ay magkaayos sila ng ex-Papa. Kilalang mataray si actress pero dahil alam ni-yang wala siyang laban sa actor na daddy ng kanyang anak ay pilit na lang niyang tinatanggap ang pang-iis-nab sa kanya or else baka mawalan na siya ng karapatan sa kanyang baby.
Saka masunurin lang si actor at sumusunod lamang siya sa ruling ng korte na hindi sila dapat mag-usap ng dating girlfriend kundi ang parehong abogado lang nila ang magda-dialogo.
AMAZING VING NI AWRA BRIGUELA
INIWAN NANG MILYA-MILYA SA RATINGS
ANG KATAPAT NA FANTASY SERIES
Agad na tinutukan nang mas maraming manonood sa buong bansa ang pag-uumpisa ng kuwento ng kabayanihan ni Ving (Awra) sa “Wansapanataym Presents: Amazing Ving,” kaya naman nanguna sa national TV ratings noong Linggo (July 23).
Naging mainit nga ang pagtanggap ng mga tagasubaybay sa unang pinagbibidahang serye ng child star matapos magkamit ang unang episode ng national TV rating na 28.8% kompara sa katapat nitong “Daig Ka ng Lola Ko” na nakakuha ng 18.5%, ayon sa datos ng Kantar Media. Na-ging usap-usapan din ito sa social media matapos umani nang libo-libong tweets ang official hashtag ng palabas na #WansaAmazingVing.
Nakilala na nga ng mga manonood ang batang si Ving at natunghayan ang kanyang kabutihan sa pagpapakita niya ng kagandahang asal at pagtulong sa kapwa. Ngunit agad siyang humarap sa pagsubok nang patayin ni Reptilya (Bianca Manalo) ang kanyang inang si Soffy (Carmi Martin) habang patungo sila sa isang outreach program.
Muntik na rin malagay sa pa-nganib ang kanyang buhay pero sa tulong ni Super Bing (Ellen Adarna), naligtas si Ving mula sa kapahamakan. At nga-yong nagkrus na ang landas nina Ving at ni Super Bing, mas nalalapit na ang oras ng kanyang pagiging ganap na tagapagligtas dahil mangyayari na ang matinding labanan sa pagitan nina Super Bing at Reptilya na mag-uudyok sa superhero na ipagkaloob ang mahiwagang bato sa binatilyo.
Ano nga kaya ang mangyayari ngayong wala na sa piling ni Ving ang kanyang ina? Makayanan naman kaya ni Ving na matalo si Reptilya? Ano pa kayang pagsubok ang kanyang haharapin bilang si Super Ving?
Kasama rin sa cast ng serye sina Kisses Delavin, Marco Gallo, AC Bonifacio, at Ria Atayde. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Alan Chan-liongco. Ang “Wansapanataym Presents: Ama-zing Ving” ay karagdagan sa humahabang lista-han ng mga kuwentong puno ng aral na inihahandog ng “Wa nsapanataym.”
Sa halos dalawang dekadang pag-ere nito sa telebisyon, naging daan ang programa upang makapagturo ng mga aral na sumasalamin sa pamilyang Filipino. Tumatak din ang mga palabas nito na nag-iwan ng marka sa puso at nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood. Huwag palampasin ang kuwento ng katapangan at pag-ibig sa “Wansapa- nataym Presents: Amazing Ving,” tuwing Linggo, pagkatapos ng “The Voice Teens” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD(S- kyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
LOCAL JAZZ ARTISTS COME
TOGETHER FOR ‘THE JAZZ LIFE’
Local jazz greats led by Richard Merk, Emcy Corteza and Ferdie Topacio with speacial guest Miss Ramonne, with the Jazz Band – guitarist Rudy Lozano, keyboardist Niki Cabardo, bassist Colby de la Calzada, drummer Mar Dizon and flutist/saxaophonist Dix Lucero – will perform together in a concert, The Jazz Life, on July 26 at RJ Bistro, Dusit Thani Hotel in Makati City.
“People can expect a lot from The Jazz Life because we got the best jazz musicians and singers in town,” said Richard. “The audience will certainly experience a once in a lifetime collaboration of the best artists of Philippine jazz.”
Emcy was honed by her father, Archiebald Corteza, a jazz piano player, to listen to standard tunes. In college, she started singing with the UP Jazz Ensemble.
“My first band (Fourplay) did tunes from Cole Porter, Duke Ellington to Spyro Gyra. My solo stints were all about standard songs. That was followed by Blackbird Band singing fusion tunes of Seawind, Manhattan Transfer, Sergio Mendes, Patti Austin and many more. Jazz has been my life.” Richard was strongly influenced by his mom, Queen of Jazz Annie Brazil, to sing jazz. He started his jazz gigs at Birds of the Same Feather, which later became Birdland. He also sang at Vineyard.
“In The Jazz Life, we will do jazz hits from the ‘50s to the ‘90s, plus the songs of Seawind, George Benson, Al Jarreau, Angela Boffill, Randy Crawford, Debra Laws, Diane Reeves and any more jazz giants,” Richard offers.
For information call (02) 7239128 or 09175945436.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma