SA susunod na taon daw ay nakatakda nang i-convert sa domestic terminal para sa Philippine Airlines at Cebu Pacific ang kabuuan ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.
Ito ay para raw ma-decongest ang sobrang daming pasaherong pinaghalo sa international and domestic flights.
Sa totoo lang, tila maliit at kulang nga kung titingnan ang immigration counters ng nasabing terminal. Madalas ay makikitang nagsisiksikan sa haba ng pila ang mga pasahero sa bawat airline counters na nagdudulot ng inconvenience sa mga pasaherong umaalis at dumarating sa bansa.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), sadya namang ginawa at idinisenyo ang naturang airport para maging domestic terminal lamang. And since biglang dumagsa ang bilang ng airlines sa ating bansa, nagdesisyon ang nasabing ahensiya na ilaan ang terminal 2 para para gawing domestic airport.
For sure, maaapektohan ang malaking bilang ng immigration personnel na naka-assign sa terminal na ito.
Malaking relief naman ito para sa pamunuan ng Immigration Ports Operations Division dahil siguradong mapupuno na ang Immigration counters ng T1 at T3 na naging problemang malaki noon ni POD Chief Marc Red Mariñas dahil sa biglaang resignation ng Immigration Officers na apektado sa pagkawala ng overtime pay.
Kasalukuyan na ring inuumpisahan ng MIAA ang pakikipag-usap sa pamunuan ng PAL at Cebu Pacific para sa ikadadali ng nasabing plano.
At kapag natuloy ito, paano na ang human trafficking raket nina alias “Boy Pisngi” at “Rico Mambo!?”
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com