MAY paggalang at pagpapahalaga sa kababaihan si Pangulong Rodrigo Duterte taliwas sa ipinipinta ni Sen. Risa Hontiveros na bastos siya at maliit ang pagtingin sa kababaihan.
Sinabi ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa panayam sa Palasyo kahapon, ang pagkilala at paniniwala ni Duterte sa kanyang kakayahan na ipinagmalaki kamakalawa ng gabi, ay patunay na mali si Hontiveros sa paghusga sa pagkatao ng Punong Ehekutibo.
Hindi aniya minaliit o hinusgahan ni Duterte ang kanyang nakaraan, naging dancer at naghuhubad, sa pagtatalaga sa kanya bilang bahagi ng kanyang administrasyon.
“Mocha has been with me during the campaign. She offered her services free. Ngayon, noong na-nalo ako, out of gratitude. Hindi naman ako dara-ting ng Malacañan… Gi-appoint ko siya. Social Media Secretary. Now, she received a lot of flak [and me?] Kasi daw dan-cer, kasi ganon-ganon. And so what?” ani Duterte hinggil kay Mocha.
“Cannot a lowly dancer in this Republic, in this country, can they not aspire for somebody to be somebody someday? Marunong naman mag-English. Hindi naman bali-bali. And she deals with everybody. Kaibigan niya ang military, kaibi-gan niya ang lahat. So, bakit hindi ko siya ilagay sa puwesto?” dagdag ng Pangulo.
Kamakailan ay binatikos ni Hontiveros ang aniya’y rape joke ni Duterte sa Miss Universe.
“Nauubusan na ka-ming kababaihan ng horror, at saka pag-reject sa ganyang klaseng kabastusan, sexism at misogyny at its worst,” giit ni Hontiveros.
Inilinaw ni Duterte na hindi niya ginawang biro ang rape kundi ito’y babala niya sa mga sundalo na kapag ginawa ito’y makukulong sila at bilang kanilang commander-in-chief ay madadamay siya alinsunod sa doktrina ng command responsibility.
(ROSE NOVENARIO)