Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Libreng IDOLE card para sa OFWs naunsiyami?! (Biglang binawi ni Labor Sec. Bebot Bello)

ABA, sa sobrang bilib namin sa IDOLE (identification card for overseas Filipino workers) na ipapalit sa Overseas Employees Clearance (OEC) agad nating pinuri sa ating kolum nitong nakaraang linggo.

Natuwa kasi ang inyong lingkod dahil malaking tulong ito sa itinuturing nating “Bagong Bayani” — ang mga OFW.

Ang sabi pa nga, libreng ipamimigay ito at ipadadala pa raw sa mga OFW kung nasaang bansa sila naroroon.

Pero wala pang isang linggo, tatlong araw lang yata, biglang bigay-bawi si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello ang kanyang sinabi na libre ‘yung IDOLE card.

Para tayong nakoryente nang ilang libong boltahe nang muli nating mabatid na hindi pala libre ang IDOLE!?

Wattafak!?

Naunsiyaming IDOLE!

Hindi nga raw libre, sa halip ay sisingilin daw sa recruitment o placement agency.

At sinong agency ang magbabayad nito?

Tiyak na doon din nila kukunin ang pambayad niyan sa OFW.

Esep-esep naman please!



Hindi kasi maresolba ang isyu ng kontraktuwalisasyon o ENDO kaya gustong magpabango, ‘yun pala isang malaking drawing!

Secretary Bello, that’s adding insult to injury.

Higit sa lahat, kayo ang nakaaalam kung ano ang tunay na kalagayan ng mga OFW lalo na ‘yung nasa Middle East, kaya sana naman maging seryoso kayo sa pronouncements ninyo.

Kung hindi naman kayo sigurado at mukhang you’re not the one who’s calling the shot, e huwag kayong magsalita na parang siguradong-sigurado kayo.

Nag-uulyanin ka na ba Mr. Secretary!?

Ay sus, be sensitive naman Mr. Secretary.

Kung dagdag-singil lang ‘yan sa mga OFW, e tigilan na rin ‘yang gimik mo!

Puwede ba?!

 

CONGRESSMAN
‘BOY TULOG’
SA KONGRESO

WALAND’YO, kasarap palang matulog at mukhang humihilik pa sa nakaraang deliberasyon sa martial law extension.

Hindi lang natin alam kung may tumutulo pang laway…

Hik hik hik!

Ang tinutukoy po natin, ay si LPGMA party-list Rep. Arnel Ty.

Ang kawatan ‘este kinatawan ‘umano’ ng marginalized sector na mula nang maupo sa Kamara ay lalo pang nagmahal ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Kakaibang marginalized sector representative ka Congressman Arnel Ty?!

O sige balik tayo sa tulog ninyo Mr. Congressman.



Hindi ka man lang ba tinablan nang kaunting kahihiyan at hindi man lang sumagi sa iyong isipan na pinasusuweldo ka ng taxpayers’ money pagkatapos e tutulugan mo lang?

Aba, kung puyat ka,e ‘wag pumasok para gawing tulugan ang Kongreso!

Present ka nga, pero hindi mo nga naintindihan kung ano ang nangyari sa deliberasyon ng martial law extension at bigla ka na lang bumoto.

Yes nga ang ibinoto mo pero mukhang hindi mo naman naintindihan kung bakit.

Ilang delilberasyon kaya ang tinulugan nitong si Boy Tulog?!

Dapat sa mga ganyan hindi bigyan ng suweldo at singilin sa pagtulog!

Boy Tulog, mahiya ka hoy!

 

NASABOTAHE BA
ANG CLEAN-UP DRIVE
NI MAYOR ERAP?

Ang dami talaga naming tawa nang mapanood namin sa ABS-CBN ang huli sa aktong photo op ng tropa ni Mayor Erap Estrada kasama ang grupo ng Rizal Park Hotel (dating Army Navy Club).

Huling-huli sa akto ni Miss Jasmin Romero ng TV Patrol na itinatapon ng ilang kamote ang isang sakong basura sa Manila Bay.

Pero ang nakagugulat na kasunod nito, pinasala pa kay Mayor Erap ang basura na kunwari ay nililinis ang Manila Bay.

Nang tanungin ni Miss Romero ang mga nagtapon ng basura kung bakit nila itinapon sa Manila Bay, ang isinagot para raw sa publicity.

Wattafak!?



Kaya siguro napilitan na ganoon din ang isinagot ni Mayor Erap, for publicity purposes daw.

Sonabagan!

Ano ba ang ginagawa nitong mga sinusuweldohang PR group at tauhan ni Mayor Erap at hindi man lang nila naisip na malaking kalokohan ang ipinagagawa nila sa boss nila?!

Ipinahahamak at ipinahihiya ba ninyo talaga ang boss ninyo!?

Atty. Sol Arboladura, sinasadya ba ‘yan o incompetent talaga kayo sa nangyaring ‘yan?

Huwag na ninyong ulitin ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *