Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahil talunan sa ratings game: serye ng isang network kukuha ng maraming publicist para kaliwa’t kanan ang releases

ALIW na aliw kami sa programang talunan sa ratings game dahil siguro wala namang puwedeng isulat tungkol sa serye kaya tungkol na lang sa personal life ng mga bida ang nababasa namin.

Nagkatinginan kami ng kausap naming TV executive habang binabasa ang tungkol sa cast ng talunang programa dahil wala namang kinalaman sa serye nila ang write-ups tulad ng bagong hairdo, bagong brand ng make-up, at hobbies para maging physically fit at kung anik-anik pa.

“Eh, kasi naman Regs, ano naman puwede nilang i-write sa sarili nilang show, eh, wala namang bagong kuwento kasi alam naman na lahat ang mangyayari at aminado rin naman (producers) na talo sila, kaya ang pinaghahandaan nila ay ang ipapalit nila at dito nila ibubuhos lahat ng suporta at balita ko nga, kukuha sila ng maraming publicist para kaliwa’t kanan ang releases,” pag-amin sa amin ng TV executive.

Sabi namin, kunin man nila ang pinakamahal na PR Firm kung wala rin namang binatbat ang programa, hindi rin ito tatangkilikin.

Pareho rin ito sa mga produkto, maski na gastusan ng milyones kung hindi naman masarap ay hindi rin ito bebenta sa merkado.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …