Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yassi ‘di kakayaning maging leading lady sa Ang Panday

Anyway, sa pelikulang Ang Panday na mismong si Coco Martin ang producer, director, at bida na mapapanood sa Metro Manila Film Festival 2017 ay hindi si Yassi ang kinuhang leading lady kaya tinanong ang aktres na kapareha ng aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano kung ipinaalam ito sa kanya o nagpasintabi man lang?

“Ay hindi naman po, grabe! Wala naman po ako sa ganoong posisyon, napag-uusapan lang po namin (set) na ‘yung cast ng ‘Probinsyano’ ay parte rin po ng ‘Ang Panday’ at saka marami rin pong bago. At saka (okay lang na hindi kasama) para maiba rin (cast), ako excited po ako sa kanila,” katwiran ng leading lady ni Coco sa Ang Probinsyano.

Hindi na rin kakayanin pa ng aktres kung sakaling kasama siya sa Ang Panday dahil mula Lunes hanggang Sabado ang tapings niya ng Ang Probinsyano at Linggo naman ang shooting ng Pambansang Third Wheel mula sa Viva Films.


Aniya, ”Hindi ko na nga po nakikita ‘yung bahay namin pati family ko kasi sobrang walang oras po talaga.”

Kaya kung may kaunting oras siyang bakante ay itutulog na lang niya dahil ito ang hinahanap ng katawan niya ngayon.

Pero hindi naman nagrereklamo si Yassi sa rami ng blessings niya at sa katunayan, sobrang thankful siya sa lahat lalo na sa Ang Probinsyano na talagang malaki ang naitulong sa career at personal niyang buhay.

Kaya wala ring lovelife ang aktres dahil wala siyang panahon at hindi rin niya ito prioridad.

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …