Sunday , December 22 2024

‘Script’ sa Manila Bay clean-up drive ni erap palpak na, sumabit pa!

PAGKATAPOS ulanin ng katakot-takot na banat ng netizens sa social media ang kinathang script ng kanyang mga estupidong tauhan sa Manila City Hall, sinabi ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada na sabotahe raw ang pumalpak na eksena ng clean-up drive sa Manila Bay noong nakaraang linggo.

Weh, ‘di nga? May gano’n talaga?

Throwback nga muna tayo sa balita na inilabas at napanood sa telebisyon.

Ganito ang mga eksena, may dalawang magkahiwalay na Bangka sa Manila Bay – Bangka #1 at Bangka # 2.

Sa Bangka #1, nakasakay ang mga tauhan ng Manila City Hall na nagdala ng ilang sako ng basura, habang nasa Bangka #2 naman si Erap at ilang malalapit sa kanya na kontodo nakasuot pa mandin ng life vest.

Imbes puntahan ang lugar na may mga basura, isang babae na lulan ng Bangka #1 ang bigla na lang ibinuhos sa dagat ang mga basura na laman ng dala-dala nilang sako.

Nang makita ng TV reporter, na babae rin, ang ginawang pagtapon ng basura ay ilang ulit siyang napasigaw ng malakas na, “My God! Is that a joke? Clean-up ba ‘yan?”

Ang sumunod na eksena ay ipinakitang sinasalok ni Erap at ng dalawa pang kasama mula sa Bangka #2 ang mga isinabog na basura ng Manila City Hall employees.

Sabi ng babaeng empleyado ng Manila City Hall sa reporter, “Hindi po, pupulutin po uli ‘yan, para lang may photo.”

Halos parehong-pareho ang naging sagot ni Erap sa reporter nang tanungin kung alam niya ang ginawang pagtapon ng basura.

“Well, ah, it was for publicity only,” sagot ni Erap sa reporter.

Mahigpit na ipinagbabawal kasi at may katapat na parusa sa batas ang pagtatapon ng basura sa Manila Bay.

Pero ayon kay Undersecretary Ma. Paz Luna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay hindi malinaw sa pangyayari kung sino ang nag-utos na itapon ang basura.

Parang sinabi ni Luna na may krimen pero walang kriminal, kahit maliwanag naman na napanood sa telebisyon na ang babaeng City Hall employe at dalawa pang lumalangoy na kasamahan niya ang nagtapon at nagkalat ng basura sa Manila Bay?

Noong Dec. 18, 2008 ay 13 ahensiya ng gob-yerno ang inatasan ng Korte Suprema na linisin at ayusin ang Manila Bay sa loob ng 10 taon.

Biglang nag-iba ng tono si Erap matapos kondenahin ng publiko ang pagtapon ng basura ng kanyang tauhan at sinabing, “I have nothing to do with that. It’s sabotage. I was invited there to lead the cleanup drive of Manila Bay.”

Ang itinuturo ni Erap na nagpakana ng sabotaheng clean-up drive ang Chinese crony at ‘ne-gosyanteng-laway’ na si Simon Paz, operator ng kontrobersiyal at maanomalyang Rizal Park Hotel sa dating kinatatayuan ng makasaysayang Army and Navy Club sa T.M. Kalaw Ave., sa Ermita, Manila na giniba pagkatapos na kuwestiyonableng ibinenta ng Manila City Hall.

Sa administrasyon ni Mayor Alfredo Lim, siya mismo ang nagmamando at nangunguna sa totohanang clean-up drive ng City Hall sa Manila Bay, bago at pagkatapos dumaan ang bagyo.

Kung sabotahe ang ginawang pagtapon ng basura ng babaeng City Hall employee, aba’y delikado pala si Erap sa kanyang mga tauhan.

Hindi kaya si Diego Casino ng Media Bureau sa City Hall ang may kagagawan ng sumabit na script sa Manila Bay?



PUWEDENG HOTEL
PALA ANG KAMARA

ANTOK na antok si LPGMA party-list Rep. Arnel Ty at hindi na napigilan na gawing hotel na tulugan ang session hall ng Kamara.

Nahuli cam si Ty, naaktohan siyang natutulog sa session hall habang isinasagawa ang special joint session ng Senado at Kamara nitong nakaraang Sabado (July 22).

Kitang-kita sa mga larawan ang mahimbing na pagkakatulog ni Ty na nakahalukipkip ang mga braso at bahagya pang nakanganga ang bunganga.

Hindi lang natin alam ay kung may audio ang camera at nasagap din pati ang paghihilik ni Ty .

Hindi niya tuloy nasubaybayan ang deliberation para sa extension ng Martial Law sa Mindanao.

Nagising na lamang nakabulagtang mambabatas nang isagawa ang botohan, at kabilang siya sa mga pumabor na mapalawig ang Proclamation No. 216 hanggang sa 31 Disyembre 2017.

Sayang, kung hindi na nagising ang damuhong mambabatas ay doon pa lamang sana siya nakapaglingkod sa bayan!

Kalampag – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *