Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria atayde, ratsada sa Wansapanataym at MMK

ANG suwerte ng anak ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde dahil bukod sa kasama siya sa Wansapanataym Presents: Amazing Ving ni Awra Briguela ay kakatatapos lang umere ang Maalaala Mo Kaya episode niya noong Sabado na ginampanan niya ang karakter na Hershey Hilado, kilalang Pinay na nakatira sa Australia at isang businesswoman.

Ikalawang MMK na ni Ria at ikalawang Wansapanataym na rin niya ang Amazing Ving dahil nauna na niyang nakasama sina Elmo Magalona at Janella Salvadornoong Disyembre 2016 na may titulong Holly and Mau.

Kung hindi kami nagkakamali ay ngayong araw naman ang dating ni Ria galing ng Singapore dahil nag-taping sila ni Marvin Agustin ng Ipaglaban Mo para sa 3rd anniversary na ipalalabas ngayong buwan.


Ang karakter na gagampanan ni Ria ay, ”ako po si Lexi, ex-girlfriend ni Jess portrayed by Marvin Agustin. Tumulong ako kay Marin na magsampa ng kaso laban sa cruise ship company na sumisante sa kanya.”

As of now ay wala pang regular teleserye si Ria kaya panay guestings muna siya bagay na ipinagpapasalamat niya nang husto dahil hindi siya nawawalan ng work.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …