There are three things in the world that deserve no mercy, hypocrisy, fraud, and tyranny.
— Frederick William Robertson
PASAKALYE:
Tutol si Anakpawis party-list representative ARIEL CASILAO sa pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao dahil naniniwala siyang hindi ito ang wastong tugon sa krisis sa Marawi City o problema ng rebelyon sa timog Filipinas.
Ipinunto ni Casilao na hindi kailangan isailalim sa martial law ang Mindanao para mapigilan ang paglaganap ng digmaan mula sa Marawi sa mga karatig lugar dahil may sapat na mga batas para masugpo at maparusahan ang mga grupong tulad ng Maute.
Ipinaliwanag ng mambabatas na sa kabila ng pagpapairal ng batas militar, napatunayang hindi pa rin nagawang tapusin ng sandatahang lakas at pambansang pulisya ang kaguluhang sinimulan ng mga rebeldeng Muslim.
Idiniin na mas mahalagang makuha ng gobyerno ang kooperasyon ng mga komunidad at mamamayan kung nais masolusyonan talaga ang problema sa Mindanao, na matagal nang hindi nabigyang-pansin at napabayaang lumala sa ating kapanahunan.
Naniniwala siya na kaya hanggang ngayon ay nagagawang lumaban ang Maute ay dahil mayroon pa ring mga komunidad na sumusuporta sa grupo dahil ang pakiramdam nila’y wala silang pag-asang matulungan ng ating pamahalaan kaya nagdesisyon silang tumulong sa mga rebelde.
Pinakakasuhan ng Ombudsman si ex-President Noynoy Aquino dahl sa Mamasapano Massacre, na ikinasawi ng SAF 44.
May natuwa at mayroon nainis dahil ayon sa mga tagasuporta ng anak nina Cory at Ninoy, paninira lamang ang isyu at ang totoo’y isa ring bayani si P-Noy!
Sa ganang amin, maihahambing si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa yumaong Italian strongman na si Benito ‘El Duce’ mussolini. Pareho silang itinuturing na bayani ng ilang mga Italyano habang mayroon ding naniniwalang isang diktador.
Just read between the lines…
Hindi kaya reincarnation ni Mussolini si Noynoy?
Kayo na po ang humusga…
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL – Tracy Cabrera