Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging walang puso ni Sylvia, ipakikita sa ‘Nay

“KUNG sa ‘The Greatest Love’, punumpuno ako ng pagmamahal at pang-unawa, rito sa ‘Nay’, wala akong puso, hindi ko alam paano magmahal,” ito ang sabi niSylvia Sanchez habang kausap namin siya.

Sa wakas ang Cinema One Originals indie movie na may titulong ‘Nay ay magsu-shoot na sa ikatlong linggo ng Agosto mula sa direksiyon ni Kip Oebanda na nakilala sa mga pelikulang Tumbang Preso, 2014; Bar Boys (2016); at Justine Barber (2014).

Tinanggap ni Ibyang ang ‘Nay dahil ang ganda-ganda ng kuwento.


“Ang ganda ng istorya, Reggee, ang ganda ng script kaya talagang umoo ako. Sabi ko nga, kung sa ‘TGL’, sobra-sobra ang pagmamahal ko sa lahat, dito sa ‘‘Nay’, wala, parang galit ako sa mundo. Hindi ko puwedeng ikuwento sa’ yo,” masayang tinig ni Sylvia sa kabilang linya.

Makakasama ng aktres si Enchong Dee at si Jameson Blake ng Pinoy Big Brother 737 at miyembro ng Hashtags.

Kuwento naman sa amin ng taga-Cinema One Originals, dumaan sa go-see ang lahat ng artista sa isang project at ang dalawang aktor na kasama ni Ibyang ang nakapasa.

Intriguing ang poster ng ‘Nay kaya tinanong namin kung horror ito at inamin naman ng aktres, suspence horror.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …