Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mabagal nating hustisya

MASAKLAP mang tanggapin pero sadyang napakabagal pa rin ng takbo ng ating hustisya.

Hustisya ang sigaw ng mga pamilya at kaanak ng 44 na Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) commandos na minasaker sa Mamasapano, Maguindanao noong 25 Enero 2015.

Halos dalawang taon at kalahati na ang nakalilipas mula nang maganap ang malupit na pamamaslang pero wala pa ring napananagot sa krimen.

Nang imbestigahan ito sa Senado noong 2016 ay nagturuan lang ang mga opisyal ng militar at pulis na sangkot sa “Oplan Exodus” ng SAF para hulihin ang dalawang terorista.

Ayon sa militar, walang koordinasyon sa kanila ang hepe ng SAF kaya hindi sila natulungan nang imasaker ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Pero ayon sa hepe noon ng SAF, maaga pa ay humingi na siya ng suporta pero walang dumating na tulong mula sa mga sundalo sa pitong oras ng bakbakang naganap kaya nasawi ang mga pulis.

At sa kabila ng partisipasyon ng mga miyembro ng MILF sa naturang masaker, ngayon ay bukas na naman ang gobyerno sa pakikipagnegosasyon sa kanila para sa Bangsamoro Basic Law (BBL) na naudlot noon dahil sa kawalanghiyaan nila sa ating mga pulis.

Mukhang uusad ang kaso sa Mamasapano massacre dahil kamakailan lang ay iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Sandiganbayan na sampahan ng usurpation of

authority at paglabag sa anti-graft law si dating Pres. Noynoy Aquino.

Ito ay bunga ng pagpayag niya na pangasiwaan ng noon ay suspendidong PNP chief Alan Purisima at SAF head Getulio Napeñas ang naturang operasyon.

Pero ang tanong ay hanggang kailan naman kaya ito aabutin, mga mare at pare ko, bago mabigyan ng hustisya ang pagkasawi ng 44 SAF commandos na kinatay ng MILF at BIFF?

Sagutin!

***

KUNG malulupit na pamamaslang ang pag-uusapan ay hindi malilimutan nino man ang Maguindanao massacre na kumitil sa 58 katao, kabilang ang mahigit 30 mamamahayag.

Naganap ito noong 23 Nobyembre 2009 sa termino ni dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ngunit sa panunungkulan ngayon ni Pres. Rodrigo Duterte, ang ilang pangunahing suspek sa krimen ang namatay, pero hindi pa rin natatapos ang kaso.

Sa tingin ng iba, mga mare at pare ko, ang kabagalan din ng hustisya ang dahilan kung

bakit maraming suspek sa krimen ang pinapaslang ng mga vigilante. Hindi na nila mahintay na umabot sa korte ang kaso dahil hindi naman siguradong mapapanagot ang kriminal.

Tandaan!

BULL’S EYE – Ruther Batuigas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …