Saturday , November 16 2024

Babala ni Digong: 20 NDFP consultants ‘madidisgrasya’ kapag ‘di sumuko

 

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa 20 National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants, na posibleng ‘madisgrasya’ kapag hindi sumuko nang maayos sa mga awtoridad.

Sa ambush interview kagabi makaraan ang Davao Investment Conference sa Davao City, sinabi ni Duterte, aarestohin ano mang oras ang mga lider-komunista kasunod nang pag-abandona niya sa peace talks sa NDFP, Communist Party of the Philippines –New People’s Army.



“Yes of course. They have to surrender or we will hunt them down. I am sorry, please do not resist because, because mag-kagulo tayo niyan if you resist with a firearm or with a violence there. Do not resist. Surrender,” anang Pangulo hinggil sa arrest order niya sa NDFP consultants.

Giit ng Pangulo, ang usapan bago magsimula ang peace talks noong Agosto 2016 ay pansamantalang palayain ang mga nakapiit na NDFP consultants para makalahok sa usapang pangkapayapaan.



Dahil wala na aniyang peace talks ay wala nang rason para manatiling malaya ang NDFP consultants kaya’t dapat silang sumuko.

“Kasi ang usapan natin i-release kayo conditionally so that you can participate in the talks and you can make it successful because your presence is needed. That was the original… the releasing… But since there is no more talks, stick to the agreement and surrender. You will be hunted,” anang Pa-ngulo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *