
BUMULAGTANG walang buhay ang isang 30-anyos lalaking sinasabing notoryus na tulak ng ilegal na droga, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang suspek na si Ronel Langcuyan alyas Hapon, 30, kabilang sa talaan ng drug watchlist ng pulisya, at re-sidente sa Bilbao St., Tondo.
Ayon kay MPD Station 2 commander, Supt. Santiago Pascual lll, dakong 8:40 pm nang ikasa ng kanyang mga tauhan ang buy-bust operation sa Bilbao St.
“Tang-na Pulis ka!” Sigaw ng suspek sa kalagitnaan ng transaksiyon at pinaputukan ang poseur buyer.
Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
(BRIAN GEM BILASANO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com