WAGAS kung umepal at pagtripan ng karakter ni Isabel Granada bilang Kris si Andeng (Bea Alonzo) sa “A Love To Last.”
Porke mas type niya ang dating misis ng classmate na si Anton (Ian Veneracion) na si Grace (Iza Calzado) ay inokray-okray niya at ini-harass ang event organizer na si Andeng sa kanilang Reunion Party na gusto niyang mabuo sa short notice na ibinigay.
At kalokah, dahil mag-uumpisa na ang party ay nagtitili ang hitad (Kris) dahil hindi makarara-ting ang soloistang ini-hire niya. Mabuti na lang at nang kontakin ni Andeng si Lukas (JK Labajo) ay libre ang anak ni Anton kaya siya na mismo ang kumanta sa event pahiya tuloy ang luka-lukang Kris.
Bukod kay Kris may detractors pa sa party na walang ginawa kundi kutyain nang talikuran si Andeng at dinig niya ito pero tinatanggap na lang kahit insulto sa pagkatao niya.
Ang hindi ma-take ni Andeng ay ‘yung pambabastos na ginawa ni Yaya Diding (Lui Manansala) sa kanyang nanay Baby (Irma Adlawan) at lolang si Mame Carla (Perla Bautista) kahit pinakiusapan na siya (Andrea) ni Chloe (Julia Barreto) na huwag iparating sa kanyang daddy Anton ay kinompronta niya ang nasabing yaya para pagsabihan na mali ang ginawa sa kanyang mga mahal sa buhay na ang gusto lang naman ay kumain. Tama naman siya dahil sino ba namang anak ang papayag na laitin ang kanyang nanay?
At ang TonDeng (Anton and Andeng) mukhang may selosan na mangyayari nang yayain si Anton ng kaibigang si Bea Rose Santiago sa isang coffee shop. Nalaman ito ni Andeng mula sa bestfriend na si Tracy (Matet de Leon).
Sa July 19 (Miyerkoles) episode ay inis na kinompronta ni Andeng ang mister, na pinapaliwanagan siya na wala ‘yon at friendly date lang. Mukha namang malabong palitan siya ni Mr. Noble dahil mahal na mahal siya nito.
Pakatutukan gabi-gabi at huwag palampasin ang mga susunod pang mga tagpo sa “A Love To Last” na umeere right after La Luna Sangre on ABS-CBN-2.
Roderick-Carmi duo, nagbabalik
KissMarc, sasabak sa TV series
AWRA BUSILAK NA PUSO ANG PANLABAN
BILANG SUPERHERO SA “WANSAPANATAYM
PRESENTS: AMAZING VING”
Panibagong superhero ang makikilala at kapupulutan ng aral ng mga manonood simula ngayong Linggo (July 23) sa pagganap ng breakout child star na si Awra bilang si Super Ving, ang tagapagligtas na makapangyarihan at may pusong busilak sa “Wansapanataym Presents: Amazing Ving.”
Isang mabait at mapagmahal na anak si Ving (Awra) na pinagmumulan ng kaligayahan ng kanyang mga magulang na sina Cris at Soffy, na gagampanan ng nagbabalik telebisyong tambalan nina Roderick Paulate at Carmi Martin.
Masaya at kontento si Ving kasama ang kanyang pamilya habang dala-dala ang kanilang paniniwalang sapat ang busilak na puso para maituring ang isang tao na superhero.
Suportado man ng mga magulang, lagi siyang tampulan ng tukso ng kanyang mga kaklase sa pangunguna ng trending love team nina Kisses Delavin at Marco Gallo bilang sina Chelsea at Warren.
Sa kabila naman nito, patuloy na nagbibigay saya at nag-aaral nang mabuti si Ving upang maabot ang kanyang mga pangarap. Simpleng namumuhay si Ving sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya ang superhero na si Super Bing (Ellen Adarna).
Dahil sa kabutihang ipinakita ni Ving, magpapalit anyo siya bilang Super Ving matapos ipagkaloob sa kanya ang isang mahiwagang batong nagbibigay-kapangyarihan upang makapagligtas ng tao.
Pero bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan, may mas malaking misyon siyang kailangan gampanan bilang Super Ving — ang sugpuin si Reptilya (Bianca Manalo) at ang kasamaan nito. Hindi magiging madali ang misyon ni Super Ving dahil bukod kay Reptilya, marami pa itong kampon na maghahasik ng lagim sa mga inosenteng tao.
Ngunit gamit ang kanyang kapangyarihan, sisikapin ni Ving na ipalaganap ang kabutihan at talunin ang kasamaan. Ano nga kaya ang mga hamong haharapin ni Super Ving ngayong isa na siyang tagapagligtas?
Magtagumpay naman kaya si Reptilya sa kanyang masasamang plano? Sapat nga ba ang pagkakaroon ng busilak na puso upang matalo ang kasamaan?
Mapapanood na ang “Wansapanataym Presents: Amazing Ving” simula ngayong Linggo (July 23). Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Alan Chanliongco. Samantala, ang serye ay karagdagan sa humahabang listahan ng mga kuwentong puno ng aral na inihahandog ng “Wansapanataym.”
Sa halos dalawang dekadang pag-ere nito sa telebisyon, naging daan ang programa upang makapagturo ng mga aral na sumasalamin sa pamilyang Filipino. Tumatak din ang mga palabas nito na nag-iwan ng marka sa puso at nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood.
Huwag palampasin ang pag-uumpisa ng kuwento ng katapangan at pag-ibig sa “Wansapanataym Presents: Amazing Ving,” simula ngayong Linggo (July 23) pagkatapos ng “The Voice Teens” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).
Para sa past episodes ng progra- ma, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma