Monday , December 23 2024

“QC gawin haven ng mga kriminal, no way!” — Gen. Eleazar

MADALI bang magtago sa Quezon City? Mahirap ka bang matunton sa Quezon City kung gawing taguan ang lungsod? Masarap ba ang buhay sa lungsod?

Naitanong natin ito dahil tila nagiging paboritong lugar ng ilang masasamang elemento ang lungsod. Yes, tila ginagawa nilang “haven” ang siyudad?

Bakit kaya? Ano ba ang mayroon sa Kyusi?

Ah, malawak kasi ang lugar kaya, parang napakadaling gawing taguan ang lungsod ng ilang kriminal na nagmula sa iba’t ibang lalawigan – iyon bang wanted sa ibang lalawigan at napiling “haven” sa Kyusi.

Kamakalawa, nakapanayam natin si Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar dahil napansin natin na ilan sa mga naaaresto ng pulisya ay mga wan-ted sa iba’t ibang lalawigan at tila naging paborito nilang taguan ang lungsod.

Ani Eleazar, malawak daw kasi ang lungsod kaya, karamihan sa mga wanted sa ibang lugar ay nagtatago sa lungsod.

Inakala raw kasi ng mga wanted na iyan ay mahihirapan silang matunton ng mga awtoridad kapag, malawak ang lugar.

Pero anang opisyal, hindi siya sang-ayon na gawing haven ng mga kriminal o wanted sa batas ang lungsod na ipinagkakatiwala sa kanya.

“Sa kampanya natin laban sa kriminalidad, hindi lang tayo nakapokus sa panghuhuli ng wanted personalities sa talaan ng QCPD kundi binibigyan halaga din natin ang talaan ng mga wanted personalities sa iba’t ibang lalawigan lalo ang mga terorista,” pahayag ni Eleazar.

Ilan sa patunay na naisulat natin, ang pagkakaaresto ng QCPD Talipapa Police Station 3, sa isang miyembro ng Abu Sayyaf Group kamaka-ilan sa patuloy na pagpapatupad sa Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang.

Sa pagsalakay sa Muslim Compound sa Brgy. Culiat, nadakip ang ASG member na kabilang sa most wanted ng Philippine National Police. Matagal-tagal na rin pinaghahanap ang suspek pero hindi siya nakalusot sa pagpapatupad ni Eleazar sa kampanya laban sa kriminal. Ilan linggo pa lamang noon na nakauupo sa QCPD si Eleazar nang makalaboso ang wanted.

Sumunod na nadakip ay isang miyembro ng Maute Group. Nadakip sa kanyang tinutuluyang kaanak sa Muslim Compound din sa Brgy. Culiat. Inakala ng wanted na Maute, magiging safe siya sa Kyusi o hindi siya ikakanta sa pulisya pero napakalaking maling pag-aakala ang nangyari dahil ang mga kapatid nating Muslim ay buo ang suporta sa kampanya ng QCPD laban sa kriminalidad.

Hindi lamang ito ang mga insidente ng mga nahuhuling dayo sa QC ang QCPD kundi marami pa – lalo na sa kampanya laban sa droga. Paborito nilang meeting place ang Kyusi sa pagbabagsak ng droga pero, hindi sila nakalulusot sa gi-yera ng QCPD laban sa droga.

Isa sa masasabing pinakahuling dayong wan-ted na naaresto este napatay pala ng QCPD matapos gawing isang “haven” ang lungsod ay matagal nang pinaghahanap ng Intelligence Division ng Police Regional Office 2 na si Johnny de Leon. Siya ang responsable sa pagbebenta ng droga at mga baril sa lalawigan ng Isabela, Cagayan at Quirino, pawang nasa Region 2.

Si De Leon na ‘nagkukuta’ sa inuupahan ni-yang bahay sa Bgry. Pag-asa, QC ay napatay makaraang manlaban matapos isilbi ng QCPD at ng mga tauhan ng PRO2 ang warrant of arrest laban sa kanya.

Sa operasyon, hindi lamang si De Leon ang napatay kundi maging ang kanyang dalawang tauhan.

Kaya, base sa matatagumpay na operasyon ng QCPD laban sa kriminalidad, dito napatunayan na kailanman ay walang puwang sa lungsod ang mga kriminal o sa madaling salita tulad ng sinabi ni Elezar, hindi siya makapapayag na gawing haven ng mga kriminal sa lungsod na ipinagkatiwala sa kanya sampu ng kanyang mga opisyal at tauhan.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *