Saturday , November 16 2024

Turkish terror group ‘nilinis’ ni Gen. Año

 

IPINAGTANGGOL ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Gen. Eduardo Año ang Fetullah Gullen Movement laban sa akusasyon ni Turkish Ambassador Esra Cankorur, na ito ay isang terrorist group.

Sa panayam sa Palasyo kahapon, sinabi ni Año, hindi ikinokonsidera ng AFP ang Fetullah Gullen Movement bilang isang teroristang grupo dahil ang aktibidad ng pangkat sa Filipinas ay tumulong sa mga pamayanan.

Aniya, maaaring may sariling basehan si Cankour sa pahayag na terror group ang Fetullah dahil idinadawit ang pangkat sa nabigong kudeta sa Turkey na internal na usapin ng bansa.

“The Fetullah Gullen movement we do not consider them as a terrorist group. Right now their activities here is helping the community. Probably the Ambassador of Turkey, may sarili siyang basis bakit niya sinabi ‘yan. You know what happened in Turkey,” tugon ni Año nang usisain hinggil sa pahayag ni Cankour.

Noong Setyembre 2013, pinarangalan ng AFP si Fetullah Gulen sa pagiging pilantropo sa bansa at kontribusyon sa kapayapaan ng Hizmet, “faith-based movement” na humango ng inspirasyon kay Gulen.

Ipinagmalaki ni Gulen sa kanyang website fgulen.com sa isang beef-sharing ceremony, na pinarangalan siya ni Philippine Army Gen. Leonardo Guerrero dahil tinatanaw na utang na loob ang mahahalagang aktibidad ng kanyang kilusan sa Filipinas.

Ayon kay Cankorur, aktibo ang grupo ni Gulen sa Filipinas simula noong 1997 sa pamamagitan ng paaralan nila sa Zamboanga at dalawa pang paaralan sa Maynila, at mga foundation.

“This is their façade, thinking them as civic education institutions and innocent charity organizations. That will be a huge mischaracterization, that is wrong. They are the façade. They talk about inter-faith dialogue, but they are concealing themselves,” anang Ambassador. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *