Friday , November 15 2024

Paalam na Philippine Daily Inquirer?

IBINENTA sa halagang umabot umano sa US$ 95 milyon ng pamilya Prieto ang Philippine Daily Inquirer kay Ramon Ang, pangulo ng San Miguel Corporation at ika-16 sa pinakamayamang negosyante sa bansa.

Ang bentahan ay ipinahayag sa publiko matapos maiulat kamakailan na pinag-iinitan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang negosyo ng pamilya Prieto, kabilang ang PDI, dahil sa pagiging malapit daw nila sa nagdaang administrasyong Aquino.

Ayon sa mga ulat, ginagamit daw ng administrasyong Duterte sa panggigipit ang hindi umano pagbabayad ng buwis ng pamilya Prieto para sa isang piraso ng lupain at ari-arian sa Makati City na inookupahan ng isa sa kanilang mga kompanya.

Dahil si Ang ay isang kilalang kaalyado ng Pangulo ng bansa, marami ang nagpahayag nang paniniwala na titigil sa paglalabas ng mga kritikal na artikulo laban sa kasalukuyang administrasyon ang PDI at ‘maaayos’ na rin ang sigalot kaugnay sa hindi umano nabayarang buwis.

Hindi natin alam kung ano talaga ang nangyari sa likod ng bentahan ng pahayagan at kung ano ang motibasyon ng pamilya Prieto sa hakbang nilang ito pero ang punto na ibig lamang nating iparating sa lahat, sana hindi mapabayaan ang interes ng maliliit na empleyado ng PDI.

Harinawa ay manatiling malakas ang PDI Employees Union para maipagtanggol ang mga anakpawis na nagtitindig sa pahayagan.

Nakapanghihinayang kasi kung tuluyang magbabago ang patakaran na sinusunod ng PDI lalo na tungkol sa pagbabalita dahil naibenta sa SMC.

Hindi perpekto ang PDI pero maraming tama sa ginagawa nito kaugnay sa paghahatid ng balita, alam ko dahil ang pahayagang ito ang humubog sa akin bagamat hindi ko nakasundo ang marami sa mga editor nito.

Tanging ang namayapang si Ms. Leticia Jimenez-Magsanoc at ginoong Recah Trinidad ang aking sinasaludohan dito dahil sila ay kinakitaan ko ng pang-unawa at pagmamalasakit sa maliliit na mamamahayag na tulad ng inyong lingkod. Sila ang tunay na sandigan kung bakit mayroong malaya at mabalasik na pamamahayag noon sa PDI.

Bilang panghuli ay ibig kong ipaabot ang aking palagay na walang dapat ipanghinayang ang mga dati kong kasamahan sa PDI sa bentahang naganap dahil hindi na rin naman ito ang pahayagan na ating nakilala at kinalakihan.

***

Nahihirapan daw maghanap ng mga bagong guro para sa elementarya at high school sa Saipan dahil sa baba ng sahod. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *