Monday , December 23 2024

P5-M sa ‘motion to bail’ ng Koreano, idinidiga ni ‘atorni’ sa BI at DoJ

 

POSIBLENG makatakas palabas ng bansa si Kang Tae Sik, ang Korean national na iniuugnay bilang utak sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick-joo noong nakaraang taon.

Ito ay sakaling magtagumpay ang alok na P5-M suhol kapalit umano ng pansamantalang paglaya ni Tae Sik mula sa dentention cell ng Bureau of Immigration (BI) sa Bicutan.

Kasalakuyang ginagapang ng isang ‘Atorni de Areglo’ para mapirmahan ang “Motion to Bail” sa pansamantalang paglaya ni Tae Sik.

Si Tae Sik ay nakapiit sa detention cell ng BI sa Bicutan matapos maaresto sa kanyang tanggapan noong 23 Marso sa lungsod ng Makati.

Iniuugnay si Tae Sik sa pagpatay kay Ick-joo na dinukot mula sa kanyang bahay noong October 18 sa Angeles City at sinasabing pinatay sa sakal ng isang pulis sa loob mismo ng compound ng Camp Crame.

May mga nilapitan umano ang naturang abogado para mapapirmahan kay BI Commissioner Jaime Morente ang idinidigang mosyon para sa piyansa ni Tae Sik.

Siguradong puputok ang malaking isyu ‘pag lumusot ang nilulutong pagpuga ni Tae Sik at si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na walang kamalay-malay ang pagpipiyestahan sa media.

Base na rin sa mga nakaraan at ‘di mabilang na pangyayari, ginagawa ang pagpapatakas sa mga dayuhang kriminal palabas ng bansa pagkatapos payagang makapaglagak ng piyansa kapalit ng malaking suhol sa mga tiwaling opisyal at tauhan ng BI at DOJ.

Nakahanap na rin umano ng kontak sa Department of Justice (DOJ) si Atorni de Areglo para masiguro na hindi mababara sakaling mapirmahan ng BI ang mosyon sa piyansa ni Tae Sik.

Ayon sa napagkasunduan, P4-M ang paghahatian ng mga kontak ni Atorni de Areglo sa BI at DOJ.

Bale P1-M ang ‘kickback’ ni Atorni de Areglo bilang komisyon, hindi pa kasama ang makokolektang ‘talent fee’ oras na makalaya ang detenidong si Tae Sik mula sa Bicutan detention cell.

Kaya dapat lang pabantayan ni SoJ Aguirre ang kaso ni Tae Sik bago siya mapalusutan at ipahamak ng mga gago at tiwaling opisyal sa BI at DOJ na kasabwat ng Atorni de Areglo.

Alam n’yo na, hindi siguro mahusay na abogado kaya’t nabansagan siyang Atorni de Areglo!

 

“ISUMBONG MO
KAY DUTERTE”

Narito po ang ilan sa mga mensahe na nais iparating kay Pang. Rodrigo R. Duterte na ipinadala sa pamamagitan ng “Isumbong Mo Kay Duterte”, isang FB page na ating binuksan noong 2015:

 

BIYUDA
NG SUNDALO

ANABELLE LINTO – “Mahal na Pangulong Tatay Digong, itatanong ko lang po, Sir, ‘di ba po sabi n’yo noon, 3-months lang po halimbawang namatayan po ng asawa na PNP or Army man? Dapat 3-months pa lang makuha na po ‘yung claims. Bakit sa akin, Sir, 1-year and 3-months na po namatay ang asawa ko wala pa po ako nakukuha. May mga anak po kami, halos po ‘di na po ako makabili ng gatas at pagkain ng mga anak ko, wala na po akong puwedeng malapitan. Sir, naisip ko na humingi po ng tulong sa inyo, nagbabasakali po akong matulungan n’yo ako, Sir. Thank you po!”

 

PAGKUHA NG PASSPORT
SA DFA PALPAK PA RIN

BAUTISTA – “Sir good day po. Marami na po nagrereklamo sa bagong patakaran ng DFA, pahirapan na po mag-renew at kumuha ng appointment. Ang slot date naman po, pila ka lang ng maaga, ma accomodate ka, hapon release na ang passport. Sana po ibalik na lang ang walk-in sa lahat ng DFA office. Paano kaya makakakuha ang kapatid ko sa renewal ng passport kung ayaw siya tanggapin? Kasi hinahanapan pa ng date of late arrival, eh ‘di pa nga siya nakakalis, kasi 1st timer siya. Aalis pa lang siya sa August 16, ang appoinment ng august is not available na. Dyosko, ‘asan ang pagbabago? Parang awa n’yo na po, gawan n’yo ng paraan ang nakakainis na sistema ng DFA!”

 

MARUMING TUBIG
SA METROGATE
MARILAO, BULACAN

JUVYLIN GEALONE – “Gud am po! Sana matulungan n’yo kami tungkol sa maduming supply ng Marwadis dito po sa lugar namin sa Isaiah St., Metrogate Village, Lambakin, Marilao, Bulacan. 7-years na po kami rito pero tuwing madaling-araw lang may tubig. At kadalasan, marumi pa po ang umaakyat sa tangke namin kaya ang tendency, lahat ng pinagpuyatang ipunin sa madaling-araw, itatapon lang po. Sana, mapansin n’yo ang message ko at matulungan n’yo po kami bago pa kami makakuha ng mga malalang sakit dahil sa pangit po na serbisyo ng Marwadis. Salamat po!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *