PARA sa karamihan ng mga ina, welcome news ang kuwentong ito.
Sadyang napakarami na nilang trabaho sa kani-kanilang tahanan at gayun din sa kanilang trabaho sa opisina subalit nagagawa pa rin ng karamihan ng mga ina ang maghanda ng nutritious lunch para sa kani-kanilang mga supling na papasok sa eskuwelahan.
Granted, kung minsan nga lang ay hindi na natutupad ang sinasabing nutritious part ng kanilang hinandang lunch. Masuwerte na nga lang na sa nabanggit na mga situwasyon available ang tinatawag na mga ‘lunchable’. Dangan nga lang na, kapag naidagdag dito ang ‘artistic value’ at ‘presentation’, mas lalong nagiging mahirap para maghanda ng kakainin n gating anak. Ito ang nagiging problema ngayon sa bansang Japan aat lumalaganap na ito sa ibang bahagi ng mundo.
Sa nakalipas na mahigit 500 taon, ang tinaguriang Bento box ay isang mahalagang bahagi ng kulturang Hapones. Sinangkapan ng kanin, karne o isda at gulay, ang masasabing kakaibang klase ng ‘lunch box’ ay magbibigay ng single on-the-go meal. Partikular dito ang mga kindergarten student na nagdadala ng mga bento box sa eskuwelahan.
Sa kabilang dako, isang sub-branch nito, na tinatawag na kyaraben o charaben ay sinagkapan naman ng pagkaing inistilo para maghugis tulad ng mga popular na karakter sa Japanese manga, anime at video game. Siyempre, kabilang din dito ang ilang mga likha sa Pokémon Go, tulad nina Pikachu at Hello Kitty. Dangan nga lang ay lalo pang pinaganda ito ng ilang mga creative mother, kabilang na si Tomomi Maruo. Nagawa ng grupo ni Tomomi na ang simpleng pagkain ay maging mga intricate image nina Mona Lisa, Michael Jackson, Shinzo Abe, at maging si Donald Trump.
ni Tracy Cabrera