BINAWIAN ng buhay ang anak ng isang barangay chairman makaraan dalawang beses barilin ng riding-in-tandem sa Makati City, kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Joven Duallo, 36, driver ng Makati City Public Safety Department, residente sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City, agad nalagutan ng hini-nga sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre . 45 baril.
Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklong walang plaka.
Base sa inisyal na ulat ni Makati City Police chief, Sr/Supt. Gerry Umayao, dakong 8:30 am nang mangyari ang insidente sa Magallanes, ilalim ng Osmeña Highway (dating South Super Highway), Brgy. Bangkal, ng naturang siyudad.
Nagsasagawa ng anti-smoke belching ope-ration ang grupo ng biktima nang biglang sumulpot ang dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo .
Sinilip ng mga suspek ang ID ng biktima upang kompirmahin na siya ang target bago binaril nang dalawang beses sa ulo si Duallo.
Napag-alaman, ang ama ng biktima na si Jimmy Duallo, chairman ng Brgy. Pio Del Pilar, ay mahigpit ang pagpapatupad ng anti-illegal drug campaign sa kanyang nasasakupan.
(JAJA GARCIA)