Monday , December 23 2024

Secretary Cimatu pinakikilos vs anomalya sa DENR

 

SA pamahalaan ni Pangulong Digong, isa sa prayoridad ang pagsugpo sa mga tiwaling opis-yal at kawani sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Bukod pa sa kinakailangan mawakasan ang maanomalyang transaksiyon.

Ang DENR ay ipinagkatiwala ni Pangulong Digong kay Secretary Roy A. Cimatu. Naniniwala ang pangulo, sa pamamagitan ni Cimatu, mawawakasan ang mga anomalya sa DENR. Bukod sa may paglalagyan din ang matutuklasang sangkot sa mga nakalipas na maanomal-yang transaksiyon ng ahensiya.

Maging ang mga nakalipas na transaksiyon ba ‘ika mo? Oo, iyan ay kung may matuklasang nangyaring anomalya. Kinakailangan maimbestigahan. Ganoon ba?

Tulad ng apela ng Clean Air Philippines Movement, Incorporated (CAPMI), isang multi-sector alyansa ng environmentalists kay Sec. Cimatu.

Anang grupo, dapat aksiyonan agad ni Cimatu ang matagal na nilang inirereklamong halos P1 bilyong halaga ng pagbili (noong 2010) ng DENR Environmental Management Bureau (EMB) ng mga depektibong makina para sa pagmo-mo-nitor ng air quality sa buong bansa.

Katunayan, ang CAMPI sa pamamagitan ng kanilang spokesman na si Manuel Galvez, ma-naging partner din ng AirBoard, ay sumulat kay Cimatu para paalalahanan hinggil sa pinakabagong lumabas na resulta ng DENR fact-finding probe hinggil sa pagbili ng DENR sa mga makina “air quality monitors.”

Anang grupo, defective, non-calibrated umano ang mga makina habang ang iba ay non-functioning na.

Nauna rito, ang Airboard kasama ang United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) ay nagsampa ng kasong korupsiyon sa Ombudsman laban sa mga nasa likod ng pagbili ng makina.

Kaugnay nito, ‘ika ni UFCC president Rodolfo Javellana… “Our selfless efforts for the environment continues.”

“In the light of the current status of most air quality monitors of DENR-EMB, my question for DENR secretary Cimatu is how can we clean the air if we cannot even measure the pollution in the air accurately?” ayon kay Galvez.

 

Mga manggagawa
ng Baguio
tulungan din

Panay ang ginagawang pagpapakilala ng Department of Tourism (DoT) sa magagarang bakasyonan sa bansa para makapag-engganyo ng mga dayuhan.

Pero in fairness, magaganda naman ang mga pasyalang ipinakikilala.

Maraming lugar ang laging ipinapakilala, Boracay, Palawan – El Nido, Underground river, Coron; Tagbilaran, Bohol – Chocolate Hills, beaches sa Panglao… at maraming iba pa.

Ang Baguio City ay isa rin sa dinarayo. Matapos ang pagbisita sa Baguio ay papasadahan na ang Sagada, Bontoc at Banaue sa lalawigan ng Mt. Province.

Marahil nagtataka kayo kung bakit hinggil sa mga pasyalang lugar ang pinag-uusapan natin, ito ay para naman bigyan pansin natin ang kara-ingan ng mga manggagawa sa Baguio City.

Kamakailan, binigyang halaga natin ang kalagayan ng mga manggagawa sa isla ng Boracay. Marami sa mga manggagawa sa isla ang hindi pinasusuweldo nang maayos ng mga naglalakihang hotel, restaurant at beach resort sa lugar.

Ngayon naman ang pag-usapan natin ang kalagayan ng mga manggagawa sa Baguio City. Mga manggawawang namamasukan sa mga hotel.

Mga kilalang hotel ang inireklamong hindi nagpapasuweldo nang patas pero siyempre hindi natin puwedeng banggitin ang mga establisiyemento hangga’t hindi magsasampa nang pormal na reklamo sa DOLE Cordillera Autonomous Region (CAR) ang mga humingi ng tulong sa atin. Kailangan din po kasi natin ng dokumento.

Pero ano pa man, tayo ay nananawagan sa DOLE na kumilos – tutal mayroon namang kautusan o memorandum na maaaring salaka-yin ng DOLE ang mga establisiyemento para hulihin sa akto kung sila ba’y nagpapasahod sa tamang minimum wages. Sa memo, hindi na kailangan pa ng pormal na reklamo.

Sa ngayon nga raw, ‘patay’ ang negosyo sa Baguio. Nag-uuulan kasi kaya ang resulta may mga tinanggal sa trabaho nang wala man lang paunang abiso.

Tinatanggal na wala man lang separation pay, bukod sa karamihan sa tinanggal ay hindi kompleto ang inihulog sa kanilang SSS.

Ops, magsampa kayo ng reklamo sa SSS Baguio City. Nasa Harrison Road ang kanilang opisina. Huwag na po kayong matakot. Walang mangyayari sa inyo. Tutal tinanggal na rin lang naman kayo.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *