MASAYA si AJ Muhlach na nabigyan siya ng malaking break ng Viva Films sa pamamagitan ng Double Barrel.
Medyo nagpa-sexy si AJ sa pelikulang ito katambal si Phoebe Walker.
Katambal dati ni AJ si Nadine Lustre. Mayroon sanang pagsasmahang proyekto ang dalawa. Ang siste, hindi natuloy at naibigay iyon kay James Reid.
Simula noong mag-click ang tambalang JaDine, naetsapuwera na si AJ.
Aniya, talagang ganoon ang buhay. Siguro’y hindi sila ukol ni Nadine.
SHOWBIG – Vir Gonzales