Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Kailangan ng bansa ang TRAIN

 

The key to revenue growth is tax reform that closes loopholes and that is pro-growth. Then with a growing economy, that’s where your re-venue growth comes in, not from higher taxes.

— John Hoeven

PASAKALYE:

Nitong nakalipas na araw ay muli pong pinanood ng inyong lingkod ang classic film na The Godfather at lalong tumimo sa ating kaisipan ang halaga ng pagiging respetado nang karamihan — hindi dahil sa yaman o pera kundi dahil sa kagandahang asal at kabutihang loob.

Dangan nga lang ay napakahalaga ng pera ngayon sa napakarami nating kakilala at kaya nilang ibenta ang kanilang kaluluwa o pagtaksilan ang kaibigan o pamilya at maging ang bansa at sinumpaang tungkulin alang-alang sa kapangyarian at kayamanan.

Ang tanong, isa po ba tayo rito?

PABOR po ang Pangil na maisabatas ang panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law dahil mapapababa nito ang personal income tax mula sa 32 sa 25 porsiyento. Ito’y ayon kay dating Nueva Ecija 1st District representative Renato Diaz sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila.

Pumasa kamakailan ang panukalang tax reform package ng administrasyong Duterte makaraang aprubahan ito sa ikatlong pagbasa ng ways and means committee ng Kamara de Representantes.

Ipinaliwanag ni Diaz na palalakasin ng TRAIN ang aspektong administratibo ng pagbubuwis, para mabigyan ng kapangyarihan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maipatupad ang batas para sa mas maayos na pango-ngolekta ng pondo ng gobyerno at access sa secondary information sa pamamagitan ng linkages sa computer systems ng mga dapat mabuwisan, partikular ang mga negosyante at malalaking kompanya.

“We realize that this is essential to the economic agenda of the DUTERTE administration so it should be institutionalized at the soonest possible time,” idiniin ng dating mambabatas.

“Moreover, the proposed measure will also create a tax system that is simpler, fairer and more efficient, characterized by low rates and a broad base that promotes investment, job creation and poverty reduction,” dagdag nito.

Tulad ng napag-usapan sa explanatory notes ng TRAIN, kinabibilangan sa tax reform program ang ilang mahahalagang package na ang bawat isa’y ibabalanse ang mga trade-off at tutulong na matiyak ang napapanahong pagpapatupad. Ito ang kauna-unahang panukala na nais mapababa ang personal income taxes, mapalawig ang value added tax (VAT) base, at maisaayos ang excise tax sa petrolyo at mga sasakyan, at mabawasan ang rates ng estate at donor’s tax.

Kasama sa panukalang batas ang sumusunod na mga tax administration measure: (a) mandatory na paggamit ng fuel marking; (b) mandatory issuance ng mga e-receipt; (c) mandatory interconnection ng point of sales machines and accounting systems ng mga kompanya sa Bureau of Internal Revenue (BIR); (d) mandatory na paggamit ng mga global positioning system (GPS) lock sa pag-transport ng mga kargammento mula sa pantalan tungo sa mga economic zone at free port; at (e) pagluluwag sa bank secrecy kaugnay ng mga kaso ng fraud o panlilinlang.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *