Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake Zyrus, magtagumpay din kaya sa music industry?

 

HINDI kami against sa naging desisyon ni Charice Pempengco na palitan ang kanyang pangalan, na ginawa niya itong Jake Zyrus.

Kung ‘yun ang makakapagpaligaya sa kanya, iginagalang namin ang naging desisyon niya. Hindi kami katulad ng iba na nilalait siya, na hindi niya dapat pinalitan ang kanyang pangalan. Kaya lang, ngayong kilala na siya bilang Jake, sa tingin lang namin ay baka ito na ang maging simula ng pagbaksak ng career niya bilang isang singer.

Minahal kasi siya ng tao, ng kanyang fans bilang si Charice, na magaling kumanta, na hanga sa pagiging biritera niya. Pero ngayon na boses lalaki na siya at may anyo ng lalaki dahil pinatanggal na niya ang kanyang boobs, paano pa siyang magugustuhan ng mga sumusuporta sa kanya?

Siyempre, ang hahanapin nila ay ‘yung Charice na hinangaan nila, ‘di ba? Ngayong si Jake Zyruz na siya, para tuloy nagsisimula pa lang siya sa kanyang singing career, na ipinakikilala pa lang niya ang bago niyang pangalan. Pero sana nga ay magtagumpay pa rin siya sa music industry bilang si Jake Zyruz, na sana ay magkaroon din siya ng hit single gaya noong siya pa si Charice para wala siyang pagsisihan sa naging desisyon niya na baguhin ang kanyang identity, ‘di ba?

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …