Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sen. Ping Lacson nadaig ang p——ina ni tatay Digong (Sa double standard policy)

ABA, talagang marami ang tila naanod sa reaksiyon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson sa back-to-duty status ni S/Supt. Marvin Marcos at 18 niyang tauhan matapos masuspendi nang ilang buwan.

‘Yan ‘e kahit text message (SMS) lang ni Sen. Ping sa mga reporter ang kanyang ‘p——ina.’

‘Yung grupo nina Kernel Marcos, mga suki, ang CIDG Region 8 na pumasok sa selda ng napaslang na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Pinasok para silbihan daw ng arrest warrant sa disoras ng gabi. And the rest is history…

Isinampol ang tatay ng sinasabing isa sa pinakamalaking drug lord sa bansa na si Kerwin Espinosa.

Sa kasong ito nasuspendi ang grupo nina Kernel Marcos.

Suspensiyon ‘yun, kaya ibig sabihin puwede silang maibalik…

At ‘yun nga ang nangyari, ibinabalik sa serbisyo sina Kernel Marcos.

Kung matatandaan, sinabi noon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga pulis na kung masesentensiyahan sila dahil sa pagpaslang ng drug lord bibigyan niya umano agad ng amnestiya.

From murder ay naging homicide ang kaso nina Kernel Marcos pero nasuspendi sila at ngayon matapos makapagpiyansa ay ibinabalik sa serbisyo sa PNP.

Ang galing mo Kernel Marcos!

Pero naniniwala si Sen. Ping na ang pagpaslang kay Espinosa at Raul Yap ay premeditated.

Kaya sa Hulyo 24, sa pagbabalik ng sesyon sa Senado, agad magpapatawag ng hearing si Senator Ping bilang chairman ng committee on public order and dangerous drugs.

IMMIGRATION OFFICER
NAGHA-HOUSE-TO-HOUSE
SA BATAAN
(Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

ANO itong nabalitaan natin na may isang Immigration officer diyan sa isang one-stop-shop sa Mariveles, Bataan na tila sumobra yata ang pagka-workaholic?!

Wattafak!?

Ugali raw ngayon ng nasabing Immigration officer na mag-house-to-house para i-check kuno ang dokumento ng foreigners sa lugar na hindi naman siya naka-assign?!

Aba, ibang klase naman ang isang ito, ha?!

Pero ang pagkakaalam natin, under Immigration Operations Order No. SBM-14-050, puwede lang sulatan ang isang kompanya o business establishment para iharap ang dokumento ng konektadong foreigners sa kanila within 48 hours.

But not to the point na hanapan sila ng dokumento lalo sa mga bahay nila dahil maliwanag na ‘harassment’ ‘yan!

In addition, under Immigration Operations Order No. SBM-14-026, verification of foreign nationals by the ACO, ay kailangan magpaalam muna sa BI Office of the Commissioner o ‘di kaya sa Chief ng Immigration Regulations Division.

At dapat within 48 hours din prior sa gagawing verification!

Kailangan din na may mga pangalan ng subject for verification at hindi in random.

After which, there should be a letter directive from the commissioner to do the job.

Kasi kung hindi susundin ang mga ganitong procedure, maliwanag na money ‘este fishing expedition lang ang mangyayari.

Balita natin may nagsusulsol daw sa Immigration officer na ganyan ang gawin para nga naman mas madaling lumundag ang mga foreigner sa teritoryo na hindi naman siya naka-assign.

I’m sure hindi properly notified si BI Commissioner Jaime Morente sa pinaggagagawa ng peraholic ‘este mali workaholic Immigration officer?!

REACTION SA SAN JUAN
DE DIOS HOSPITAL

GOOD pm sir Jerry, nakaranas rin po ako ng kapalpakan sa San Juan de Dios. Dinala ko po ang anak kong 10 taon na nilalagnat. Ang mga doctor at nurse diyan ay mayayabang at pabaya. Akala mo kung sinong magaling kung umasta mga palpak naman!

+63918618 – – – –

 

IBA ANG SINASABI
NG NPA
SA GINAGAWA NILA

SIR, hindi talaga dapat pinagkakatiwalaan ang mga NPA. Ilang araw nang sunod-sunod ang ginagawa nilang pag-atake sa iba’t ibang parte ng bansa. Kulang na yata sila sa pansin dahil sa Marawi nakatuon ang atensiyon ng karamihan. Hindi na ba sila kayang kontrolin ng CPP-NDF? O baka naman sila pa ang nagdidikta kung anong atake ang gagawin? Akala ko ba interesado silang ituloy ang peace talk? Bakit ganyan? Hindi yata akma ang mga binibitawan nilang pahayag sa mga ikinikilos nila. Tama ang Pangulo na pagdudahan ang intensiyon ng mga rebelde. Sayang lang ang oras na gugugulin sa pakikipag-usap sa kanila dahil hindi naman sila marunong tumupad sa napagkasunduan.

— Barbara [email protected]

 

PAKISAGOT LANG BRGY.
CHAIRMAN PALMOS

GOOD day sir! Nais ko pong ipagbigay alam s inyo ang aming kapitan sa Brgy. 139 Pasay City na si Kap PALMOS ay nagsisimula nang mamigay s mga tao para sya ulit ang i-appoint para maging kapitan ng brgy. Ako po ay lubos na umaasa na mabago na ang aming kapitan para sa totoong pagbabago ng aming lugar. Sawa na kami sa korupsiyon sa mahabang panahon na sila ang nakapuwesto. Isa pa ay talamak pa rin ang bentahan ng droga sa aming lugar dahil dito lumipat ang mga taga-Gamban extension na mga pusher. Walang aksiyon ang aming barangay dahil po inaanak ng isang opis-yal ang pusher na si Dodong Anor na protektado niya. Salamat po!

<[email protected]>

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *