Monday , November 25 2024

Environmental degradation sa Boracay lulutasin ba ng congressional inquiry?

MATINDI na umano ang environmental degradation sa pamosong Boracay island na matatagpuan sa Kalibo, Panay island.

Ayon kay Samar representative Edgar Sarmiento, kailangan umanong magsagawa ng house inquiry sa nagaganap na unti-unting pagkawasak ng Boracay.

Sinisi niya ang pagkawasak na ito ng Boracay sa pagdayo ng maraming turista, dayuhan o lokal, at sa explosive population growth umano sa nasabing isla.

‘Yan ang nakatatawa sa mga opisyal ng pamahalaan at mga mambabatas natin dito sa Filipinas.

Paatras mag-isip at hindi pasulong?!

‘Yang pagdami ng dayuhan at paglaki ng populasyon ay normal na pangyayari sa isang lipunan.

Kaya naghahalal ng mga opisyal ng pamahalaan at mga mambabatas ang mga mamamayan, para may opisyal na mag-isip, magplano ng mga proyekto, bumuo ng mga programa, at magtakda ng mga patakaran na dapat umiral sa isang lipunan.

Kabilang sa dapat na maging batayan ng kanilang mga bubuuing programa ang bilang ng mamamayan at kung gaano ito kabilis dumami.

Ilan ang regular population, weekend population, peak season population at ilan ang populasyon na dapat maging prayoridad ng lokal na pamahalaan para sa social services.

Kung ikinatutuwa ng pamahalaan na ang Boracay ay tampok at pamoso sa buong mundo kaya dinarayo ng mga turista, dapat din isipin kung paano poproteksiyonan ang kalikasan at kapaligiran na tila sa isang paraiso lang matatagpuan.

Ibig sabihin, dapat laging abanse mag-isip ang lokal na pamahalaan lalo na’t mabilis lumaki ang bilang ng populasyon.

Kaya hindi puwedeng sisihin ang paglaki ng bilang ng mga turista o pagdami ng residente sa pagkasira ng Boracay.

Bakit hindi ‘yang malalaking developer at investor ang busisiin ni Congressman!?

Tingnan na lang natin ang kasaysayan ng Singapore.

Kung nakita ninyo ang Singapore kahit noong 1965 lang, hindi ninyo aakalain na uunlad sila sa kanilang kinalalagyan ngayon.

Dati, sa Malaysia lang sila umaasa at kumukuha ng maiinom na tubig.

Pero naisipan nilang ilagay sa bote (purified water) ang tubig mula sa Malaysia saka iniluwas pabalik sa mas mataas na halaga.

Noong araw, tila isang disyerto ang Singapore, pero nagawa nilang magtayo ng botanical garden, man-made tree at mantakin ninyo nagkaroon sila ng Tulips garden na dati ay sa malalamig na lugar gaya ng Holland lamang makikita?

Gaano na ba kalaki ang populasyon ngayon ng Singapore? Gaano karami ang dayuhan o turista? Ang migrant workers?

Dumumi ba ang Singapore at nasira ang kalikasan at kapaligiran?!

Hindi ba’t buhay na buhay at ang linis-linis ng Singapore?!

Sa ganang atin, illogical ang inihihirit ni congressman Sarmiento na house inquiry sa degradation ng Boracay.

Ang kinakailangan, magkaroon ng komprehensibong urban planning ang Boracay para mapanatiling malinis ang isla habang napapangalagaan ang likas na yaman.

Higit sa lahat, regulasyon at regularisasyon sa pagtatayo ng mga konkretong gusali.

Let’s face it, Boracay is a world class tourists destination.

Pakiusap po huwag na ninyong, gulantangin at guluhin ng mga house, house inquiry ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *