Monday , April 14 2025
dead gun police

Caloocan chairman todas sa tandem

 

PATAY ang isang barangay chairman makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem gunmen sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Francisco Guevarra, 53, residente sa 8th Avenue, chairman ng Barangay 106, Grace Park, at line man ng PLDT.

Sa report nina SPO2 Frederick Manansala, PO3 Michael Olpindo at PO2 Adrian Paguian kay Caloocan police chief, S/Supt. Chito Bersaluna, dakong 5:40 pm, naglalakad ang biktima sa M.H. Del Pilar St., nang pagbabarilin ng mga suspek, at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Sinabi ng kapatid ng biktima na si Ronald Guevarra sa pulisya, dating nasa drug watchlist si Francisco ngunit nalinis na aniya ang pangalan sa koneksiyon ng ilegal na droga.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *