DAPAT nerbiyosin ang mga health insurance na accredited ang isang doktor na nagpabaya sa isang baby na kanyang pasyente nitong katapusan ng Hunyo.
Sa record ng doktor na si JOSEPH NADALE ‘este DALE GUTIERREZ, siya ay accredited ng malalaking health maintenance organization (HMO) gaya ng Asian Life, Avega Managed Care, Cocolife Healthcare, Insular Health Care (I-Care), Intellicare, Maxicare, Medicard, Medocare, Philcare, at Value Care Health System Inc.
‘Magaling’ siguro si Doc Gutierrez kaya siya ay pinagkakatiwalaan ng malalaking HMO?!
Pero nagtataka ang pamilya ng 6-month old baby — tawagin na natin siyang ANGEL — na namatay nitong 4 Hulyo 2017, pasyente ni Gutierrez sa San Juan De Dedo ‘este Dios kung bakit hindi niya naipakita sa nasabing kaso ang kanyang galing at pagiging responsable?!
‘Yan ba ay dahil hindi naospital sa ilalim ng HMO si Angel kung kaya’t hindi niya pinagtuunan nang mahigpit na pangangalaga at pagmamalasakit?!
Si Angel ay ipinagkatiwala ng kanyang regular pediatrician kay Gutierrez dahil siya ay on leave. Siguro tiwala ang regular pediatrician kay Gutierrez kaya siya ang reliever pero grabeng kabiguan, kapighatian, galit at pagdadalamhati ang idinulot nito sa pamilya lalo sa mga magulang ni Angel.

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com