Monday , December 23 2024

Orbos-Chinese dinner sa isang 5-star hotel

 

LUNES ng gabi (July 10), natiyempohan ng ilang impormante si da-ting Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general ma-nager Tomas “Tim” Orbos sa isang 5-star hotel sa Maynila.

Inakala ng ating mga espiya na may mahalagang pagtitipon na dadaluhan si Orbos bilang guest speaker o kaya’y special guest ng isang okasyon sa naturang hotel.

Pero laking gulat ng ating mga miron na hindi sa isang function room na madalas pagdausan ng mga pormal na okasyon dimiretso si Orbos, kung ‘di sa mamahaling Chinese restaurant ng 5-star hotel na malimit gawing tagpuan ng mga influence peddler at opisyal ng pamahalaan kapag may malaking transaksiyon na lulutuin.

Ayon sa mga impormante, masayang-masa-yang sinalubong ng monkey-looking businessmen na Tsekwa ang pagdating ng entourage ni Orbos sa restaurant.

Isang bote ng mamahaling XO cognac na pampagana ang agad na binuksan ng mga Chinese at inilapag sa harapan ni Orbos at ng kanyang entourage, habang hinihintay na isilbi ang masasarap na putahe sa kanilang salu-salo.

Bumaha ang masasarap na seafood at mga paboritong kainin ni Orbos at nasundan pa ang pagbukas ng mga mamahaling alak na tinungga.

Baka raw ang maluhong salu-salo ay pasalubong ng Chinese community sa pagkakatalaga kay Orbos bilang undersecretary sa Department of Transportation (DOTr).

Ang nasisiguro lang daw ng mga miron, mukhang very close ang pakikipag-usap ni Orbos sa mga ka-transaksiyon.

Teka nga, hindi ba mahigpit na ipinagbabawal ni beloved Pres. Rodrigo R. Duterte sa mga government official na huwag tumambay o magsilamon sa mga 5-star hotel at mamahaling restaurant?

Sands of the beach!!!

Imposible na walang ROI (return of investment) ang malaking nagasta ng mga Chinese monkey-businessman, kapalit ng mga nilaklak na pagkain at alak na tinungga sa party.

Ang ipinagtataka ng ating mga espiya ay kung paano nabola ni Orbos ang mga nakapalibot kay Pres. Digong na maitalaga siya sa mas mataas na puwesto, kahit palpak naman ang kanyang performance sa MDDA?

Katunayan, ni isa sa marching orders ng pa-ngulo sa kanya na lansagin ang obstructions sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ay wala naman siyang naisakatuparan.

Ang vendors sa Baclaran na dati’y ipinagmamalaking nalinis daw ni Orbos ay nagsibalikan din.

Masahol pa nga kaysa noon ang nangyari sa mga bangketa na binakbak ng MMDA sa kahabaan ng Roxas Blvd. na hanggang ngayon ay nakatiwangwang at nagpuputik.

Kahit isang illegal terminal na sanhi ng mabi-gat na trapiko ay walang naipabuwag si Orbos.

Paano natin magagawang pagtiwalaan ang isang gaya ni Orbos na hindi maganda ang track record at wala namang napatunyan?

Sa sandaling kumalat ang sari-saring DOTr sticker o calling card ng officials sa mga susu-nod na araw, tiyak na exempted sa Anti-Destructive Driving Act (ADDA) ang mga Tsekwa.

Alam na!!!

‘SOSYO SA NEGOSYO’
ANG DPWH AT DENR
SA DINGALAN, AURORA

 

ISINUSUMBONG ng concerned citizen (na itatago natin ang pangalan) ang umano’y maano-malyang pagtatayo ng isang gasoline station sa Dingalan, Aurora:

“Gandang tanghali po, sa DINGALAN, AURORA po ako. Bakit po kaya pinayagan na maitayo ang gasolinahan sa aming probinsiya na sakop ng DPWH at public market? Nagbigay po ng authorization ang DPWH na “no future project, malinaw po iyon ay katiwalian. At bakit po nila pina-yagang makapagtayo sa lupa na pag-aari ng taongbayan? Sana po maaksiyonan, at marami na po ako nilapitan, pero wala rin pong nangyari. Maraming beses na po ako tumawag sa 8888 pero wala pong nangyari. May karapatan po ba talaga ang DPWH para magbigay ng rights na makapagtayo ang pribadong tao sa lupa ng gobyerno? Sana po ay matutukan po n’yo at ginagawa po itong katiwalian ng DPWH at ng DENR kung paano po sila naaproban. Ito po ay sa Pob-lacion, Dingalan, Aurora (Mc oil gas station).”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *