EARLY 90s nang pakiusapan kami ng bff kong si Pete A. ng namayapang ina ng April Boys (April, Jimmy and Vingo) na si Mommy Lucy Regino na tulungan namin sa publicity ang kanyang mga anak upang makilala sila sa Music Industry na amin namang ginawa.
At kahit medyo duda kami noong una na sisikat ang magkakapatid dahil hindi sila mga guwapo, sumugal pa rin kami at hindi naman napahiya na i-build up sila at bigyan agad ng malaking exposure sa top-rating Sunday Musical show noon ng nanay-nanayan naming si Sharon Cuneta na “The Sharon Cuneta” sa Dos.
Pagkatapos ng guesting ng grupo ay nagkainteres sa kanila si Boss Robbie Tan ng Seiko Films at ginawang themesong ang hit song ng April Boys na “Sana’y Laging Magkapiling” na pinagbidahan nina Dawn Zulueta at Gardo Versoza and the rest is history na lumikha nga ng mala-king ingay sa industriya sina April Regino, Jimmy at Vingo.
Yes magmula sa pagiging mga ordinaryong residente ng Caloocan, malayo ang narating ng magkakapatid pero dahil pare-parehong hindi tumanaw ng utang na loob at yumabang hayun ibinagsak sila ng Itaas, at nagkasakit pa nga bang malala itong si April Boy.
Kaya ang lesson, huwag magmalabis nang ‘di karmahin.
ATTY. FERDINAND TOPACIO MULING
MAPAPANOOD SA “THE JAZZ LIFE”
WITH RICHARD MERK,
DWIZ SHOW SA JULY 17 NA
Maraming pasabog this year ang kilalang lawyer sa bansa na si Atty. Ferdinand Topacio na pinag-aagawan pa rin ng malalaking tao sa lipunan ang serbisyo.
Isa sa sorpresa ng bff at labs naming abogado ay ang kauna-unahan niyang radio show na “Yes Yo Yo! Topacio” na nakatakdang i-launch this July 17 (Monday) sa DWIZ (882 KHZ) ng sweet and kind boss naming si sir Edgard Cabangon (Big Boss ng Aliw Broadcasting Corp).
Ang “Yes Yo Yo! Topacio” ay mula sa konsepto at produce ni Madam Ron Tapia-Merk at kakapalooban ito ng mga balita sa mundo ng po-litics at showbiz. Ayon kay Atty. Ferdie sa kanyang show, lahat nang hindi ninyo alam ay inyong malalaman at lahat ng hindi ninyo nakikita ay inyong makikita na araw-araw tuwing 10:00- 11:00 am na agad namang susundan ng showbiz program naming “Star Na Star” ni amigang Pete at kaibigang Abe Paulite a.k.a Papa Umang na ma-ririnig mula 11:00 am – 12:00 noon.
Surprise pa raw ang magiging co-host ng nasabing sikat na abogado sa bansa at dinig namin ay mahusay rin na tulad niya.
Ngayong gabi ay muli ninyong mapapanood kasama ang Prince of Jazz na si Richard Merk sa RJ Bistro, Thani Hotel sa Ayala Makati para sa pagpapatuloy ng kanilang matagumpay na concert na “The Jazz Life.” Special guests nila rito sina Emcy Corteza at Top Session Musicians. Produce ito ni Madam Ron sa ilalim ng kanyang production outfit.
Si Atty. Ferdie pala ang nasa cover ng Philippine Graphic para sa month ng July.
SIKAT GAY STAND-UP COMEDIANS
NAKIKIPAGSABAYAN SA KAPWA BADING
NA BRAINY SA QUIZ VEE:
BEST OF THE BESH SA EAT BULAGA
Araw-araw ay iba-ibang gay comedians at stand-up comedians sa mga sikat na comedy bar ang makakasama ng mga brainy bading contestants sa bagong segment sa Eat Bulaga na “Quiz Vee: Best Of the Besh” na open sa mga college graduate o mga
nag-aaral pa lang na extra ordinary inside and out.
Sina John “Sweet” Lapuz at Gie Kinis ang dalawa sa mga buena manong naglaro sa Quiz Vee at sila ang wagi nang araw na iyon.
Nitong Lunes, sina Teri Aunor at Boobay ang guests at pare-parehong magagaling sumagot ang kanilang mga manok pero sa huli ang beshies ng komedyanteng si Boobay na sina Daryll at Greg ang mga itinanghal na winners at nakapag-uwi ng P40K.
Bukod sa educational ay very informative ang Quiz Vee, at siguradong matutuwa rito ang Department of Education (DepEd) at Commission On Higher Education (CHED) at pupurihin nila ang mga writer ng Eat Bulaga na nakaisip na gawin ang portion sa kanilang longest-running noontime show.
Sina Dabarkads Ryan Agoncillo at Luane Dy ang mga host nito.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma