Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

IDOLE tagumpay ng OFWs kontra pahirap na OEC

TAPOS na ang nakakukunsuming panahon para sa overseas Filipino workers (OFWs) na nauubos ang oras at pera sa kapapasahe sa pagkuha ng overseas employment certificate o mas kilala sa pinaikling katawagan na OEC.

Lalo na kung ang isang OFW ay galing pa sa malayong lugar.

Kung ang isang OFW ay mayroong 30-araw 0 45-araw na bakasyon (bihira ito), dalawang linggo rito ay maibubuhos nila sa pagbabalik-balik sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para kumuha ng OEC.

Tuwing umuuwi kasi ang isang OFW, isa sa rekisitos sa kanilang pagbabalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa ay ‘yang OEC na kay hirap-hirap kunin.

Salamat naman at natawag ng mga nagrereklamong OFW ang pansin ng mga opisyal ng gobyerno, pangunahin ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ngayon ay pinamumunuan ni Secretary Silvestre “Bebot” Bello.

Ngayong araw, 12 Hulyo 2017 ay ilulunsad ang IDOLE (ID of the DOLE) bilang kapalit g OEC at magsisilbing Social Security System (SSS), Pag-ibig Fund, and PhilHealth membership IDs ng mga OFW.

Sa malaunan, nais ng DOLE na itong IDOLE ay maging pasaporte na rin ng OFWs.

Kasunod nitong IDOLE, ilulunsad sa Oktubre ang OFW Bank.

Kung hindi tayo nagkakamali, ‘yang OFW ID at OFW bank ay pangako ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga tinatawag nating Bagong Bayani.

Kung anong laking tulong ang nagagawa ng OFWs sa ating ekonomiya, siya namang tila paglimot ng mga nagdaang administrasyon sa kanilang kalagayan lalo sa kanilang pamilya na tila walang nailalaang mahusay na programa ang pamahalaan.

Malaking kabalintunaan talaga ang nagaganap na ito sa kanilang sektor.

Wala rin itong ipinag-iba sa malawak na kawan ng mga manggagawa na bumubuhay sa ating industriya pero laging huli sa listahan ng gobyerno ang pagbibigay ng benepisyo.

Mga magsasakang bumubuo sa 75 porsiyento ng ating mga mamamayan pero hanggang ngayon ay walang mga sariling lupang sinasaka at walang pag-aaring bahay.

At higit sa lahat, sila ang nagpapakain sa mamamayang Filipino pero sila ay walang maihain sa kanilang hapag kainan.

Sana’y hindi tumigil sa kapakanan ng OFWs ang pagkalinga ng administrasyong Duterte, sana’y sumaklaw pa ang mahuhusay na proyekto at programa ni Pangulong Digong sa mas malawak na batayang masa sa ating lipunan.

‘MAAWAING’ IMMIGRATION
INTEL AGENT MAY BAGONG
FORTUNER?!

Tila sumablay yata ang desisyon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Bong Morente na payagan ang ‘gimik’ ng isang intel agent sa BI na payagang ipasauli ang pera ng isang hinuli nilang Korean fugitive na nakakulong sa BI warden’s facility sa Bicutan.

Sa isang intelligence operation umano sa Gramercy Residences sa Makati, hinuli si Korean fugitive Park Young Ju kasama ang 13 pang kapwa Koreano rin.

Kasama sa mga nakulimbat ‘este nakompiska sa kanila ay halagang hindi bababa sa P300,000 na pag-aari ni Park Young Ju.

Natural, kasama sa gagawing ebidensiya para tumibay ang kaso ang perang nakuha maging ang iba pang gamit na pag-aari ng mga puganteng Koreano.

Pero ano ang katalinuhan na naisip ng isang operatiba at gumawa raw ng isang sulat para papirmahan kay Commissioner Morente upang ipasauli ang naturang halaga!?

Katangahan, katalinohan kaya talaga o diskarte?!

Naawa raw si super agent agenda at siya pa mismo ang aligaga para isoli sa Koreano ang nasabing pera?!

Wattafak!?

‘Yung ibang beterano sa Immigration ang sasabihin agad sa ginawa niya “Tell that to the marines, boy!!!”

Ano ba siya abogado?!

Lalo lang niyang pinahina ang kaso dahil sa kawalan ng ebidensiya!

‘Di ba dapat proteksiyonan muna ang interes ng Bureau bago ang interes ng isang akusado?!

Sabagay, baka nga sadyang maawain lang si super agent kaya naman nagmamagandang-loob lang?!

Ewwsss!

Well, natuwa naman ako at may maawain pa palang nilalang sa BI gaya ni super agent.

Kaya naman maluwag sa kanya ngayon ang kapalaran.

After maisoli ang P300,000 ng Koreano ay agad nakitaan na nagda-drive na ng brand new 2017 Toyota Fortuner si super agent!

Anak ng pu—!!!

Kita mo naman kung paano gumanti ang kapalaran sa kanya, ‘di ba?

How lucky this guy naman!

Nagsoli lang ng pera, nagka-Fortuner na bago agad?!

Tsk! Tsk! Tsk!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *