MATATAPOS sa susunod na sampu hanggang 15 araw ang krisis sa Marawi City, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati sa 10th listing anniversary ng Phoenix Petroleum Philippines Inc., sa Philippine Stock Exchange (PSE) sa Makati City, si-nabi ng Pangulo, susubukan niyang magpunta sa Marawi City bago matapos ang linggong kasalukuyan o habang nagbabakbakan pa ang militar at Maute/ISIS terrorists.
Dalawang beses nang naunsyami ang pagbisita ni Duterte sa siyudad bunsod ng masamang panahon.
“Gusto kong pumunta roon, ‘yung hindi naman ako maipasubo ng sundalo na really, basta ilayo lang ako nang kaunti, basta I want to be there while there is still fighting so that I can observe. But I’ll try to make it again, this week tignan ko kung… But palagay ko, 10 to 15 days okay na,” anang Pangulo.
Matatandaan, isinai-lalim ni Pangulong Duterte sa martial law ang buong Mindanao noong 22 Mayo nang umatake ang mga terorista nang tangkaing arestohin ng mga awtoridad si South East Asia ISIS Emir Isnilon Hapilon sa Marawi City.
Ngunit sa obserbas-yon ng ilang social analyst, kahit matapos ang krisis sa Marawi, hindi malayong maulit ito sa ibang parte ng Mindanao.
Isa sa mga nakitang dahilan, nasukat ng mga terorista ang kakayahan ng mga tropa ng pamahalaan sa pakikipaglaban at kahinaan nila sa urban warfare, gaya ng naging karanasan sa Marawi.
Hanggang ngayon ay “conventional” na pa-mamaraan ang ginagamit umano ng militar sa paggapi sa terorismo gayong sa nakalipas na mahigit isang dekada ay hindi ito naging matagumpay, imbes mapuksa ay tila lalo pang umusbong ang bagong terror groups na hinaluan ng foreign jihadists.
Mismong si Pangulong Duterte ay aminado na ang pananahimik ng nakaraang administras-yon sa illegal drugs ang nagpalakas sa terorismo dahil ang narco-politicians ang nagpopondo sa terror groups.
Sa panayam sa Pa-ngulo noong Disyembre 2016, inihayag niya na “turf war” o agawan sa teritoryo ng mga drug syndicate ang nasa likod ng sunod-sunod na pag-atake ng Maute sa Midsayap, North Cotabato.
Ilang beses din sinabi ng Pangulo na binili ng Maute/ISIS ng drug money ang suporta ng mga residente sa Marawi City kaya nakapag-imbak sila ng armas at nakapagkuta sa siyudad.
ni Rose Novenario