Monday , December 23 2024

Speech ni Miss Sunday Beauty Queen, pinalakpakan nang husto sa The Eddys; Nora at Rhian, pinuri

CHILL at relax lang ang mga miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) habang nakaupo silang lahat sa harapan at pinanonood ang kanilang unang The EDDYS Entertainment Editors’ Awards na ginanap sa KIA Theater noong Linggo, Hulyo 9.

Nakatutuwang tingnan ang mga bossing namin sa panulat dahil naka-pormal silang lahat at mahigpit sila sa dress code dahil lahat naka-black kompara sa ibang award giving bodies na kapag sinabing formal, may mga pasaway pa ring nag-iiba ng kulay ng kasuotan at kung minsan naman ay nagpapaka-millenial na wala sa lugar.

Walang sinayang na sandali ang SPEEd dahil 7:00 p.m. ang nakalagay na oras sa imbitasyon at saktong 8:00 p.m. ay nagsimula na sila.

Nahuli kami ng sampung minuto sa venue kaya hindi namin napanood ang opening number nina James Reid at Nadine Lustre at inabutan namin ay nagpapasalamat na ang gumanap sa Sunday Beauty Queen dahil binigyan ng parangal bilang Best Documentary Film.

Pinalakpakan nang husto si Miss Sunday Beauty Queen dahil hindi siya makapaniwala na isa lang siyang Domestic Helper o DH sa Hongkong, pero nakatayo siya sa harapan ng mga respetadong Entertainment Editors ng Philippine Showbiz para tanggapin ang award.

Sa production number nina Ella Cruz at Julian Trono ay nakarinig kami ng komento sa mga katabi naming nanood sa VIP section na sumali na lang daw ang dalawa sa Girltrends at Hashtag ng It’s Showtime.

YASSI AT ARJO, BAGAY
NA DANCE PARTNER

Akala ng lahat kasama na rin kami na si Cristine Reyes si Phoebe Walker na kasama nina AJ Muhlach at Ali Khatibi bilang presenter na mga bida sa pelikula ng Viva Films na Double Trouble, kamukhang-kamukha kasi kapag nasa malayo lalo na noong maigsi ang buhok ng una.

Nagtatanungan ang lahat kay Bela Padilla kasama si JC Santos dahil sobrang taba o masikip lang ang suot nitong long gown na panay ang hila pababa dahil nasisilipan na siya sa harapan na hati ang disensyo.

Sumunod ang production number ng FPJ’s Ang Probinsyano cast na sina Arjo Atayde at Yassi Pressman na sabay-sabay naglabasan ng cellphone ang nasa audience para i-video sila.

Ang daming nagandahan sa sayaw nina Yassi at Arjo at bagay silang dance partner sa ASAP na sana magkaroon sila ng showdown.

MOTHER LILY,
SINUPORTAHAN
NG MGA ANAK

Kasama namang dumating ni Mother Lily Yu Monteverde ang mga anak para tanggapin ang Movie Producer of the Year award na ipinagpasalamat naman niya dahil laging nakasuporta sa lahat ng projects niya ang SPEEd at writers nang sinimulan niyang itayo ang Regal Films 6 decades ago.

Ang dalawang mahusay na hosts na sina Edu Manzano at Martin Nievera ang presenter ng Joe Quirino Award na ibinigay sa nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda.

Natahimik ang lahat noong tanggapin ni Direk Maryo J. de los Reyes angPosthumous Award para sa namayapang filmmaker at scriptwriter na si Joaquin ‘Jake’ Tordesillas na aniya ay kasalukuyan pa rin silang nagdadalamhati sa pagkawala ng miyembro ng pamilya nila (partner sila for 45 years) kasama ang kapatid na babae.

Binigyan tribute rin nina Martin Nievera, Morisette Amon, Klarisse de Guzman, at Ogie Alcasid ang namayapang composer na si Willy Cruz na kinanta ang ilan sa mga napasikat nitong awitin na ayon sa millenials na nanonood, ”ay si Willy Cruz pala ang sumulat niyon.”

MGA ARTISTANG
NOMINADO DAPAT DUMALO,
MANALO MAN O MATALO

Ilang minuto bago mag- 9:30 p.m. ay tapos na ang programa bagay na nagustuhan ng lahat dahil ang bilis ng pacing at hindi katulad sa ibang award giving bodies na nahihilo ka na sa gutom at antok dahil sa tagal kaya naman kaliwa’t kanang pagbati sa grupo ng SPEEd dahil on time silang natapos.

Ang mga dumalo rin ang nagsabing, ”sana ganito talaga ang dapat na tularan ng ibang award giving bodies.”

Maging ang production design sa stage ay napaka-simple rin kaya naman mas maganda at malinis tingnan sa malayo at sa TV camera, pati mga taong nasa likod ng production na pinamahalaan ng Viva Live ay maayos at kung mayroon mang sablay ay napaka-minimal na nanggaling pa sa mga artistang hindi siguro nakinig sa briefing na hindi na namin babanggitin kung sino.

Umaasa kami na sa ikalawang taon ng The Eddys ay maraming artista na ang dumalo tulad din ng pagdalo nila kapag may presscons o projects silang ipo-promote na humihingi sila ng tulong sa entertainment editors/writers para isulat sila.

NORA AT RHIAN,
DAPAT TULARAN
NG IBANG ARTISTA

Akala ng lahat ay si Ms. Nora Aunor na ang nanalong Best Actress dahil dumating siya at nakasanayan na kasi na kapag dumating ang artista sa isang awards night ay tiyak ang panalo nito.

Pero hindi siya ang nanalo dahil tinalo siya ng kumare niyang si Congresswoman Vilma Santos-Recto na hindi naman nakadalo dahil nasa ibang bansa at ang anak nitong si Luis Manzano na isa sa host ng event ang tumanggap ng tropeo ng ina.

Kahanga-hanga ang ginawang iyon ni Nora kasama na si Rhian Ramos na bagamat hindi nila alam kung mananalo sila’y naroon pa rin.

Gayahin din sana ito ng ibang award giving bodies na sa mismong awards night lang nila malalaman ang mga mananalo dahil pagkatapos pala ng botohan ay idiniretso na kaagad sa Accounting firm ang mga envelope.

At para malinis ang botohan para mawala na rin ang taon-taong isyu na may nangyaring ‘bayaran’ para manalo. At higit sa lahat, para mawala ang pangit na imahe ng mga katoto na laging nasasabihang, ‘nagpabayad para ipanalo si ganito o ganyan.’ Bagamat hindi naman kami miyembro ng anumang organisasyon ay nasasaktan pa rin kami kapag may mga kasamahan kami sa panulat na sumasabit ang pangalan dahil sa talamak na bentahan ng award.

Natawa nga kami dahil sila-silang miyembro ng SPEEd ay nagkagulatan kung sino ang nanalo sa bawat kategorya.

ANG MGA NAGSIPAGWAGI

Narito naman ang kompletong listahan ng mga nanalo.

Best Documentary: Sunday Beauty Queen

Best Supporting Actor: John Lloyd Cruz

Best Supporting Actress: Angel Locsin

Best Musical Score: Everything About Her

Best Sound Design: Seklusyon

Best Theme Song: Saving Sally

Best Visual Effects: Seklusyon

Best Editing: Die Beautiful

Best Production Design: Die Beautiful

Joe Quirino Awardee: Boy Abunda, Jr

Manny Pichel Award: Lav Diaz

Producer of the Year: Mother Lily Y. Monteverde

Best Cinematography: Seklusyon

Best Screenplay: Everything About Her

Eddys Posthumous Awardee: Jake Tordesillas

Best Actor: Paolo Ballesteros

Best Actress: Vilma Santos

Best Director: Lav Diaz

Best Picture: Ang Babaeng Humayo

Ang The EDDYS Entertainment Editors Awards ay mapapanood sa Hulyo 16, Linggo sa ABS-CBN’s Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *