Monday , December 23 2024

Operasyon ng QCPD vs ninja cops nakadalawa uli

 

WALA na nga bang nalalabing ninja cops? Na-patay na ba silang lahat ‘este naaresto na ba silang mga salot na sumisira sa imahen ng Philippine National Police (PNP)?

Hindi pa naman napapatay ‘este nahuhuli ang lahat at sa halip may natitira pa. Nagsipag-lie low sila dahil mainit pa pero may ilang sumisimple pa rin na ang resulta’y paktay sila ‘este arestado pala .

Tulad ng naaresto ng QCPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) kamakailan sa ikinasang buy-bust operation. Inakala siguro ni SPO3 Arsenio David Jr., isang awol na QC police at dating nakatalaga sa Anonas Police Station (PS9), na nag-lie low ang QCPD sa kampanya laban sa ninja cops.

Pero mali si Arsenio sa inakala niya, kaya sumisimple pa rin siya sa pagbrbenta ng shabu mula sa kanyang mga nakokompiska. Oo, kahit AWOl si Arsenio, nagpapakilala pa rin siyang pulis. Nanghuhuli mag-isa at ibinabangketa ang kanyang mga naaresto at pagkatapos ay inire-recycle ang mga ‘bato’ na kanyang nakokompiska.

Mayroon pang mga pulis na inakala hindi sila kasali sa target ng kampanya sa droga. Sino sila? Iyong mga retiradong pulis. Siguro iniisip nila na porke retirado ay hahayaan na lamang sila sa kanilang pagbebenta ng shabu.

Retirado man, aktibo man, o AWOL, basta’t positibo ang surveillance laban sa kanila, aares-tohin namin sila. Iyan ang pahayag ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar kaugnay sa mas pinaigting pa niyang kampanya laban sa droga sa Lungsod Quezon.

Heto nga, bunga ng kampanya ni Eleazar laban sa mga pulis na sangkot sa droga, winakasan ng QCPD ang maliligayang araw ng retiradong pulis na si Armolito Rosauro ng Brgy. Sta.Monica, Novaliches, Quezon City.

Nawakasan ang pagkakalat ng droga ng retiradong pulis makaraang makalaboso sa ikinasang buy-bust operation ng QCPD. Suwerteng dating lespu. Bakit? Nahuling buhay e. Hindi po naman kasi nanlaban. Ganoon ba iyon? Kailangan manlaban pala para… he he he…

Makaraan makarating kay Eleazar ang impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidades ni Rosauro. Agad niyang ipinag-utos sa DDEU na subaybayan ang retiradong pulis bago lumobo ang bilang ng mabibiktima nito sa shabu.

Hayun, nang magpositibo ang lahat, paktay ‘este, kalaboso si Rosauro matapos bentahan ng droga ang pulis QC na nagpanggap na buyer. Suwerte mo Ginoong Rosauro, binuhay ka. Siyempre naman, hindi naman kasi nanlaban ang mama.

Kaya, babala ni Eleazar sa mga pulis, aktibo man, AWOL man o retirado, magbago na kayo at huwag nang hintayin pang mapabilang kayo sa mga nagsisisi ngayon sa loob ng mga siksikang kulungan.

‘Ika nga ng Heneral, lalo na sa mga retirado… “Huwag sayangin ang mahabang panahon na paglilingkod ninyo sa bayan at sa halip kahit na retirado ay dapat na patuloy ninyong suportahan ang kampanya ng pulisya hindi lamang laban sa droga kundi sa lahat ng klase ng kriminalidad sa bansa.

At siyempre, sa pagkakahuli sa retiradong pulis nitong Linggo ng madaling araw sa Novaliches, QC, kinilala ni Eleazar ang accomplishment ng kanyang mga tauhan kasabay ng pagsaludo sa paninindigan nila sa pagpupursige kontra droga lalo sa pag-aresto sa dating kabaro.

Hindi lamang sina David at Rosauro ang na-arestong ninja cops ng QCPD kundi, marami-rami na rin. Karamihan nga sa kanila ay aktibo.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *