ITINALAGA na nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si retired military general Dionisio Santiago bilang bagong chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Pinalitan niya si Benjamin Reyes na mukhang nalito sa datos kung ilan talaga ang drug users/addicts sa Filipinas.
Si Santiago ay kabilang sa senatorial slate ni Pangulong Digong noong nakaraang eleksiyon na ang plataporma ay nakatuon sa kontra-ilegal na droga.
Dating Direktor Heneral ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si General Santiago. Ito ang panahon na malalaking laboratoryo ng shabu ang sinalakay ng PDEA sa buonga kapuluan.
Kung operasyon kontra ilegal na droga, walang kuwestiyon ang kahusayang ipinakita ni Gen. Santiago sa intelligence work.
Sa kanyang bagong trabaho ngayon bilang Chairman ng Dangerous Drug Board (DDB), masusubukan natin ang magiting na dating heneral ng Philippine Army sa pagbubuo ng mga programa at pagbubuo ng mga patakaran na magtatakda ng direksiyon sa mga usapin ng dangerous drugs, programa sa rehabilitasyon, mga pag-aaral at pagsasanay at iba pang programa o proyektong kaugnay nito.
Bukod sa mga nabanggit, si Santiago ay tinaguriang silent worker nang buuin niya ang Light Reaction Company (LRC), isang maliit pero hard-hitting and compact anti-terrorist unit. Ito ang panahon na sunod-sunod ang pambobomba sa Maynila at at kidnapping ng Abu Sayyaf.