NAIS ni Senador Manny Pacquiao na madaliin ng World Boxing Organization (WBO) ang pagtugon sa hiling na paliwanag ng Games and Amusement Board (GAB) na kumukuwestiyon sa mga aksiyon ng referee at judges sa kanilang laban ni Jeff Horn.
Ayon kay Pacquiao, hindi niya intensi-yong mabaliktad ang resulta ng championship match kundi nag-aalala lamang siya na baka masira ang kredebilidad ng boksing kung hindi aaksiyonan ang mga ganitong kuwestiyon.
“WBO should take appropriate action on the letter sent by the Games and Amusement Board (GAB) so as not to erode the people’s interest in boxing. On my part, I had already accepted the decision but as a leader and, at the same time, fighter I have the moral obligation to uphold sportsmanship, truth and fairness in the eyes of the public. I love boxing and I don’t wanna see it dying because of unfair decision and officiating,” pahayag ni Pacquiao.
Kasunod nito, tiniyak ni Pacquiao, wala pa sa isip niya ang pagreretiro at lalong ayaw niyang mawala ang boksing dahil lamang sa maling desisyon.
ni CYNTHIA MARTIN