Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina Halili, never na-insecure sa mga nagsusulputang kontrabida

NASA taping ang aktres\kontrabida na si Katrina Halili nang huli naming makapanayan over the phone ng seryeng D’Origial na magtatapos na sa Biyernes.

May halong lungkot na sinabi sa amin ng aktres na sobrang mami-miss niya ang mga nasa likod ng serye at mga kasamahang artista na bagamat ilang buwan lang ang kanilang pinagsamahan ay itinuring na niyang  kapamilya.

“Huling taping na po namin ito, medyo malungkot dahil matatapos na ‘yung serye. Sobrang thankful po ako sa grupo na ito. Ang daming moments na mami-miss ko sa kanila ‘yung bonding ng bawat isa hindi lang po sa kapwa artista kundi maging sa mga staff na talagang inalagaan kami hanggang huli,” may halong lungkot na pahayag ng aktres.

“Napakagaan po nilang kasama, lahat sila ‘yung hindi ka mai-intimidate. Magaan silang katrabaho. Lagi kaming masaya sa set, especially kay Tita Jane sobrang maalaga at mabait sa amin so, sana next time sila pa rin ‘yung makatrabaho namin, same group.”

Ang seryeng D’ Original lang ang tanging show ng aktres sa GMA kaya naman naitanong namin kay Katrina kung may fallow-up project na ba siya?

“So far wala pa namang abiso sa akin ang GMA but I’m sure mayroon naman siguro silang inilalaan para sakin. We will see kung may kasunod.

“Pero kung wala siguro, guesting na lang muna, hindi naman ako nagmamadali at nagde-demand. Halos isang dekada na ako sa GMA pero hindi naman nila ko pinababayaan. Siguro right timing and right project na babagay sa character ko,” dagdag pa ng aktres.

Natanong si Katrina ukol sa mga kasamahang artistang lumilipat ng ibang network.

“Well I don’t want to comment on that issue. Una ‘di ko po pinakikialaman ‘yun, although naririnig ko pero, wala lang sa kin. Ako kasi honestly speaking marami na ring nagnagtatanong about that. Wala naman kasi akong makitang dahilan para lumipat and I’m very thankful sa treatment na ibinibigay sa akin ng GMA. So, bakit ko pa gagawin ‘yun kung happy naman ako sa kanila.

“Sa raming dagok na dumating sa buhay ko, ilang beses na akong  dapat bumangon. GMA always there for me at hindi nila ako pinababayan. Kahit gusto ko nang mag-give up, sila pa rin ‘yung tumulong sa akin para bumangon sa pakadapa ko,” mariing sabi pa ng aktres.

Ukol naman sa pagsulpot ng marami pang kontrabida, sinabi ni Katrina na, “Never po akong na-insecure o na treaten sa iba. Wala rin naman kasing ipinagkaiba halos pare-pareho rin ‘yung nagiging character namin pero magkakaiba lang ang forte ng bawat isa. Mas mainam nga ‘yun, the more na marami kami mas nakagagaan sa trabaho namin. Hindi naman kasi puwde ‘yung ako lang ang napapanood nilang kontrabida sa lahat ng serye ng GMA

“Kontrabida lang ako sa paningin pero in real life hindi po ako ganoon,” huling pahayag ng single parent at seksing aktres na si Katrina.

ni RICO MIRANDA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …