Monday , December 23 2024

Nanganganay na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) tangkilikin kaya?

ANG alam namin na dinudumog na festival ay Metro Manila Festival tuwing Disyembre lalo na kapag kalahok ang mga pelikula ni Bossing Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin atbp.

At sa indie festival naman, marami-rami rin ang mga nanonood sa mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya at Cinema One Originals.

Pero itong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na project ng Chairman ng Film Development Council of the Philippines na si Liza Dino ay parang pagdududahan kung kakagatin ba ng moviegoers lalo’t iilan lang ang nakakaalam sa mga film entries na ipapalabas sa 700 theaters nationwide.

Puwedeng kumita ‘yung movie nina Bela Padilla at JC Santos pero ‘yung iba parang walang future.

Well, baka naman kumita ang mga producer kapag approve ng CHED na ipalabas ang lahat ng movies nila sa mga eskuwelahan sa buong bansa.

Sa isang banda, dapat din talagang magkaroon ng malawak na choices or options ang cinema-goers na aminin natin sa hindi ay makipot na sektor na lamang ang natitira nga-yon.

Baka isang aktibidad ito na makatulong sa muling pagsigla ng movie industry.

Alam natin na mayroon ding mga producer na hindi lamang kita ang habol sa isang pelikula. Nakatimo sa puso nila na bilang filmmakers kaila-ngan nilang maghatid ng pelikulang may kalidad at ‘yung hindi malilimutan ng mga manonood — classics kumbaga.

Anyway, good luck PPP!

ANDENG PINAGKAKAISAHAN
SA “A LOVE TO LAST”

Kawawa naman ngayon si Andeng (Bea Alonzo) sa “A Love To Last” at pinagkakaisahan ang beauty niya ng yaya at maid ng mister na si Anton Noble (Ian Veneracion) na si yaya Diding (Lui Manansala) at may kakampi pang epal na kasambahay na si Lota (Minnie Aguilar).

Hindi sinasadyang nabuntal ni Andeng dahil napagkamalan niyang multo dahil sa tila harina sa espasol ang ikinulapol sa mukha. Sanib-puwersa sila sa pang-aasar kay Andeng as in konting kebot lang ay nakasumbong kaagad si Diding sa dating among si Grace (Iza Calzado).

Hate kasi ng nasabing nanny si Andeng dahil ang gusto nito sa boss na si Anton ay si Grace.

Samantala kahit na pormal nang nagpaalam si Tupe (Ronnie Alonte) sa kanyang sir Anton na liligawan ang anak na si Chloe (Julia Barretto) ay pinagbawalan siya ng kanyang boss sa opisina.

Ang katuwiran sa kanya nito ay bata pa ang si Chloe at gusto niyang mag-focus muna sa kanyang pag-aaral. Hindi rin napapayag ni Andeng si Anton na bigyan ng kalayaan si Chloe para malaman nito ang tama o hindi?

Si Lukas (JK Labajo) naman kahit kasal na kay Andeng ang daddy na si Anton ay hindi pa rin niya ito tanggap sa bahay at madalas ay nagpapakita siya nang hindi kagandahang asal sa kanyang stepmother.

Pero sa kabila ng lahat nananatiling relaks si Andeng siguro ramdam niya na pasasaan din at matatanggap siya ng buong-buo ni Lukas.

Naku, huwag kayong bibitaw sa panonood dahil mas marami pang happenings sa pamilya Noble kasama ang additional sa kanilang pamilya na si Andeng.

Napapanood ang A Love To Last, gabi-gabi pagkatapos ng La Luna Sangre ng KathNiel sa ABS-CBN Primetime Bida.

Sa kanilang patuloy na pagpapahalaga
MAYOR HERBERT & HARLENE
BAUTISTA TULOY
SA TRADITIONAL BIRTHDAY
BLOWOUT SA MOVIE PRESS

Buwan ng Mayo, ang birth month ng inyong columnist at kabilang sa mga hindi nakalilimot sa aming kaarawan at birthdays ng mga kapwa entertainment columnist ang butihing mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Yes, every year ay may pa-birthday blowout o treat si Mayor Bistek sa mga movie press na nakatulong sa kanilang pag-aartista at sa pamil-ya Bautista.

At tuwing hindi nakasisipot ang nasabing alkalde ang sister niyang si Harlene Bautista ang siyang nag-iistema at humaharap sa press.

Tulad ng magkasunod na araw nitong June 30 at July 1 (Biyernes at Sabado) lahat ng celebrants mula buwan ng Abril hanggang Setyembre ay magkakasamang nagtipon-tipon para i-ce-lebrate ang kanilang kaarawan (lumipas na o parating pa lang).

Bukod sa masasarap na pagkaing inihanda ni Harlene sa pag-aari nilang Salu Resto ng mister na si Romnick Sarmenta ay may pa-birthday cake pa at pakimkim ang kapatid na si Herbert sa lahat ng attendees.

Sey ni Harlene sa kanyang speech, hindi makalilimutan ng pamilya nila ang press, na nakasama nila noong maliliit pa sila at nag-aartista pa sila, hanggang ngayon ay nakasuporta pa rin daw sa kanila.

Humingi ng paumanhin ang actress-businesswoman sa mga naghahanap sa kanyang kuya Bistek, na kasalukuyang nasa Berlin para sa conference ng mga mayor sa bansa na siya ang representative.

Masaya rin niyang ikinuwento ang magandang development sa kapatid nilang si Hero, na mataba na raw ngayon at maaari nang makita ng mga celebrator mula October hanggang December na kanilang ipapatawag kay katotong Jun Nardo sa mga susunod na buwan.

To Mayor Bistek and Harlene a million thanks, sa pagpapahalaga ninyo sa aming mga manunulat sa showbiz.

VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *